Benta sa Baclaran, Divisoria matumal sa mga unang araw ng Alert Level 3

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Benta sa Baclaran, Divisoria matumal sa mga unang araw ng Alert Level 3

ABS-CBN News

 | 

Updated Oct 19, 2021 06:54 PM PHT

Clipboard

Mga namimili sa Divisoria noong Lunes, Oktubre 18, 2021. George Calvelo, ABS-CBN News
Mga namimili sa Divisoria noong Lunes, Oktubre 18, 2021. George Calvelo, ABS-CBN News

MAYNILA - Matumal pa rin ang mga benta sa Baclaran at Divisoria, ilang araw matapos umarangkada ang Alert Level 3 sa Metro Manila, ayon sa mga nagtitinda rito.

Ayon sa tindero na si Alan Batua-an, malaki na ang kanilang nalulugi dahil sa pandemya, at nagbabayad ng upa sa puwesto pero walang pumapasok na kita.

"Wala pa rin po kasi mga tao bibili yan bibili talaga pag may pera sila kahit lumuwag na mga tao lumabas na karamihan pa rin dyan wala pa trabaho eh," ani Batua-an.

Ayon naman sa isa pang tindero na si Macalabo Docua, malabo pang makabawi ang mga maliliit na negosyante na tulad niya kahit ibinaba pa ang alert level.

ADVERTISEMENT

Watch more in iWantv or TFC.tv

"Medyo umaangat konti pero di pa umaangat ng maganda kasi medyo menos pa mga tao pumapasok dito. Di pa nakabawi matagal pa yan di natin masabi nakabawi na kasi matagal pa," ani Docua.

Dumami na rin ang tao sa Divisoria, pero ayon sa tinderang si Josephine Datuin, puro window shopping lang ang ginagawa ng mga ito.

Aniya, sana bago mag-Pasko ay bumalik na ang sigla sa Divisoria.

Wala na ang mga itinalagang COVID-19 marshalls sa Divisoria para manita ng mga hindi sumusunod sa health and safet protocols.

Doble-ingat na rin ang mga mamimili dahil alam nilang nandiyan pa rin ang banta ng COVID-19.

-- Ulat ni Jeck Batallones, ABS-CBN News

Watch more in iWantv or TFC.tv

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.