Ilang OFW, natuwa sa paggamit ng mas simpleng E-Arrival Card | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Ilang OFW, natuwa sa paggamit ng mas simpleng E-Arrival Card

Jervis Manahan,
ABS-CBN News
Published Oct 21, 2022 03:54 PM PHT

MAYNILA — Ikinatuwa ng ilang overseas Filipino workers (OFW) na dumating sa Pilipinas ngayong Biyernes ang pagpapagamit ng eArrival Card.

Pinalitan na kasi ng Bureau of Quarantine ang dating One Health Pass.

Mas simple na ito at mas kaunting impormasyon na ang kailangan ilagay para makakuha ng QR code.

Para sa OFW hairstylist na si Richard Regil mula sa Dubai, UAE, mas convenient na ito dahil mas kaunting impormasyon na lang ang hinihingi.

"Mas accessible sya, mas madali syang gamitin, kesa sa One Health Pass na maraming requirements na hinihingi, ngayon mas madali na sa mga OFW na kagaya ko na pumila, papakita mo lang, scan lang nila, ganon lang kabilis," sabi niya.

Pangalawang beses na umuwi ni Richard sa Pilipinas nitong pandemic kaya napagkumpara niya ang eArrival Card at One Health Pass.

"Yung one Health Pass kasi noong pandemic, sobrang mahigpit ang protocol nila kailangan detalyado lahat. Ngayon eArrival Card mas mabilis gamitin. Di na kailangan ng marami pa pipirmahan," dagdag pa niya.

Natuwa din ang nurse mula Saudi Arabia na si Rhea Lauriano, kahit na nagkaproblema siyang ma-access ito sa kaniyang cellphone noong simula.

"Mas okay siya, at mas accessible po, tsaka mas madali siyang fill up-an," sabi niya.
"Mas okay siya, at mas accessible po, tsaka mas madali siyang fill up-an," sabi niya.
ADVERTISEMENT
"Hindi na ina-attach yung certificate namin. Tinatanong lang don, did you receive first dose and second dose ta's okay na," dagdag niya.

Suportado rin ng airlines ang pagpapalit nito.

"We support all initiatives that aim to simplify the travel requirements for passengers arriving in our country's gateways," sabi ni Cielo Villaluna, tagapagsalita ng Philippine Airlines.

"The eArrival card is a simplified version of the One Health Pass. Only pertinent travel and passenger details and health declarations are being requested," dagdag pa ni Villaluna.

Naglabas na rin ng travel advisory sa kanilang mga pasahero ang Cebu Pacific kaugnay nito.
Naglabas na rin ng travel advisory sa kanilang mga pasahero ang Cebu Pacific kaugnay nito.
ADVERTISEMENT
"Cebu Pacific reminds its passengers traveling to the Philippines that the new electronic ARRIVAL CARD ('eARRIVAL CARD') has officially replaced the One Health Pass (OHP) as an entry requirement," ayon sa kanilang travel advisory.

"Passengers must register and accomplish the eARRIVAL CARD within 72 hours prior departure at the country of origin. They must save a printed/digital copy of the QR code at the end of the form, and present this at the check in counter, and on arrival," dagdag nito.