Suweldo ng 'men in uniform', target madagdagan pagdating ng bagong taon

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Suweldo ng 'men in uniform', target madagdagan pagdating ng bagong taon
ABS-CBN News
Published Oct 24, 2017 12:06 PM PHT
|
Updated Oct 24, 2017 12:33 PM PHT

Nais ng Kongreso na taasan ang suweldo ng mga military and uniformed personnel (MUP), gaya ng mga pulis at sundalo, sa unang araw ng susunod na taon.

Sa programang "Failon Ngayon" ng DZMM, sinabi ni Rep. Karlo Nograles, chairman ng House committee on appropriations, na may nakalaan nang budget para sa nasabing pagtaas ng sahod.

"Nakapasok na po ito sa 2018 budget natin," pahayag ni Nograles.

Ang panukalang 2018 national budget ay kasalukuyang tinatalakay sa Senado upang mailapat sa naipasang bersyon ng Kamara.

ADVERTISEMENT
Ipinaliwanag din ni Nograles ang sistema ng pagtaas ng suweldo ng mga MUP. Aniya, ang mga nasa pinakamababang ranggo lamang ng serbisyo ang may tiyak na dobleng pagtaas sa suweldo.

Inangkop umano ang dagdag-sahod batay sa kataasan ng ranggo.

"Siyempre habang pataas tayo, hindi naman double pay ‘yong mas may mataas na ranggo ... may calibration," ani Nograles.

Kaya magiging P29,668 na ang suweldo ng isang Police Office 1 (PO1), ang pinakamababang ranggo sa kapulisan, mula sa kasalukuyang suweldong P14,834.

Doble rin ang suweldong makukuha ng ranggong katumbas ng PO1 sa Department of National Defense, Bureau of Jail Management and Penology, Bureau of Fire Protection, Philippine Public Safety College, Philippine Coast Guard, at National Mapping and Resource Information Authority.

Dagdag ni Nograles, layunin ng Kongreso na agarang maipasa ang joint resolution na nagpapahintulot sa dagdag-suweldo upang maging epektibo ito sa Enero 1, 2018.

"First order of the day pagbalik ng Kongreso, we need to pass this joint resolution," aniya.

Batay ang mga pagbabago sa suweldo sa pagkukuwentang isinagawa ng Department of Budget and Management.

Pensiyon, pinag-aaralan pa
Samantala, hindi muna gagalaw ang halaga ng makukuhang pensiyon ng mga magreretirong MUP.

"Hindi makakayanan ng ... nakalaan na pera para sa pension ng mga men in uniform if we follow indexation based itong bagong rates na matatanggap," ani Nograles.

Kung itataas kasi ang suweldo, dapat may katumbas itong pagtaas sa pensiyon.

Patuloy na susundin umano ang mga halaga ng pensiyon bago ang dagdag-sahod.

"‘Yong pension will still be according to the old pay rates, before [ang] increase na ito," ani Nograles.

Isa ang pagtaas ng suweldo ng mga sundalo at pulis sa mga ipinangako ni Pangulong Rodrigo Duterte noong siya'y nangangampanya pa lamang.

Dagdag ni Nograles, pabuya na rin ito ng Pangulo dahil sa matagumpay na pakikipagbakbakan ng mga sundalo at pulis sa Marawi.

"Ito ‘yong top priority (ni Duterte), lalong lalo na naging matagumpay ang ating mga sundalo’t pulis sa Marawi," ani Nograles.

Bukod sa MUP, pinag-aaralan na rin umano nila kung paano itataas ang suweldo ng mga guro, nars at ibang kawani ng gobyerno.