Babaeng guard sa subdivision, nabugbog
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Babaeng guard sa subdivision, nabugbog
ABS-CBN News
Published Oct 25, 2018 04:42 PM PHT
|
Updated Dec 15, 2019 02:01 PM PHT

Pinaghahanap ngayon ng mga awtoridad ang isang lalaking nambugbog umano sa babaeng guwardiya ng isang subdivision matapos nitong harangin ang lalaking bisita na nagtangkang lumabas sa gate na para sa mga residente.

Sa kuha ng CCTV ng BF Northwest Village sa Parañaque City noong gabi ng Oktubre 16, mapapanood ang isang kotse sa tapat ng Agana Gate.

Sa naturang gate gustong lumabas ng isang hindi nagpakilalang lalaki at ng kaniyang nobya pero hindi sila pinayagan ng guwardiyang si Marilyn Sepada dahil mga residente lang daw ang maaaring dumaan sa gate.

Nagkaroon ng pagtatalo hanggang sa itinulak ng lalaki ang guwardiya at saka pinagsusuntok.
Nagkaroon ng pagtatalo hanggang sa itinulak ng lalaki ang guwardiya at saka pinagsusuntok.
ADVERTISEMENT
Dumating ang iba pang mga guwardiya para kausapin ang lalaki pero pag-angat ng boom barrier, agad umalis ang magkasintahan.

Nagtamo ng black eye at nanakit ang katawan ni Sepada, na ilang araw na ring hindi nakapapasok sa trabaho.

Wala pang plaka at conduction number lang ang gamit ng sasakyan kaya patuloy pa ring pinaghahanap ng mga pulis ang lalaki.

Naghain na ng request sa Land Transportation Office para sa posibleng pagkilala sa lalaki, sabi ni Chief Inspector Benedicto Balagtas ng Parañaque police.

Nanawagan naman si Director Guillermo Eleazar, hepe ng National Capital Region Police Office, sa publiko na respetuhin ang mga guwardiya ng mga subdivision dahil ipinatutupad lang daw ng ma ito ang mga security measure o panuntunan ng subdivision.

Posibleng maharap sa mga kasong serious physical injury at violence against women and children ang lalaki.

--Ulat ni Jerome Lantin, ABS-CBN News
Read More:
PatrolPH
Tagalog news
balita
metro
Parañaque
serious physical injury
violence against women and children
pambubugbog
subdivision
guwardiya
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT