Ano ang mas praktikal: Cremation o tradisyunal na libing?

HEADLINES:
|

ADVERTISEMENT

HEADLINES:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Ano ang mas praktikal: Cremation o tradisyunal na libing?

ABS-CBN News

Clipboard


MAYNILA — Ika nga ng kasabihang Pinoy: magastos ang mabuhay, pero magastos din ang mamatay.

Kaya ang mga Pilipino, ngayon pa lang ay pinag-iisipan na kung saang paraan mas makatitipid kapag namayapa na.

Pinagpipilian madalas kung tradisyonal na pagpapalibing o ang mas mura cremation.

KULANG NA ESPASYO

Sa public cemetery ng San Juan City, puno na ang sementeryo kaya naman ang mga nitso ay nirerentahan ng P100 kada isang taon at kada 5 taon ang renewal.

ADVERTISEMENT

Kaya si Gloria Bacister, inilipat na lang ang buto ng kaniyang ina sa katabing columbarium. Pati siya, bumili na rin ng sarili niyang puwesto sakaling sumakabilang buhay.

Depensa niya, mas praktikal at tipid daw kasi kapag cremation.

"Pag libing kailangan ng kabaong pa. Pag cremate puwede na lang rentahan," ani Bacister.

Tulad ni Bacister, marami ang naniniwalang masyado nang mahal ang magpalibing.

Sa isang pribadong memorial park halimbawa, halos P400,000 ang isang lote at P500,000 ang isang nitso.

Pero sa isang columbarium, P27,000 lang ang isang crypt na puwedeng paglagyan ng hanggang 2 abo o buto.

ADVERTISEMENT

"Sa amin 25 years tapos wala nang babayarang renewal at maintenance," sabi ni Nova Medino, sales counselor ng St. John Memorial Park.

Nasa P30,000 din ang mga interment service sa mga pribadong memorial park pero ang cremation, nasa P20,000 lang.

Ayon naman sa San Juan Public Cemetery, tumatanggap din sila ng abo at malaki ang matitipid sa pera at espasyo kung gagamitin ang mga nirerentahang nitso bilang vault ng mga abo.

"P500 lang kasi bubutasan lang 'yung nitso," ani Leolando Ramelo, opisyal ng sementeryo.


—Ulat ni Zen Hernandez, ABS-CBN News


ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

ABS-CBN is the leading media and entertainment company in the Philippines, offering quality content across TV, radio, digital, and film. Committed to public service and promoting Filipino values, ABS-CBN continues to inspire and connect audiences worldwide.

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.