ALAMIN: Presyo ng mga bulaklak sa Dangwa market bago mag-Undas

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

ALAMIN: Presyo ng mga bulaklak sa Dangwa market bago mag-Undas

ABS-CBN News

Clipboard

Nagbebenta ng bulaklak ang isang vendor sa Dangwa Flower Market sa Maynila kasabay ng pagdami ng mga bumibisita sa mga sementeryo bago mag-Undas. Isasara ang mga sementeryo mula Oktubre 29 hanggang Nobyembre 3 dahil sa banta ng pandemya. Mark Demayo, ABS-CBN News

MANILA - Mabenta na ang mga bulaklak sa Dangwa Flower Market sa Maynila kasabay ng pagdami ng mga bumibisita sa mga sementeryo bago mag-Undas.

Nagsimula na ring tumaas ang presyo ng mga bulaklak.

Ang stargazer na P130 kada stem ay nasa P150 na ngayon.

Nasa P700 naman ang kada bundle ng anthurium mula P350 noong nakaraang taon.

ADVERTISEMENT

Nasa P250 naman ang Angel's Breath na dating P200 kada bundle.

P200 naman ang kada dosena ng pulang rosas, habang P150 naman para sa white roses.

P300 ang kada dosena ng chrysanthemum habang P250 ang kada 10 piraso ng gerbera.

Nasa P600 naman ang kada bundle ng orchids habang P750 ang nasa basket arrangement.

Isa sa mga dahilan ng pagsipa ng presyo ng mga bulaklak ay ang pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo kaya dagdag-gastos ito sa bayad sa delivery.

ADVERTISEMENT

Kaya naman may mga bulaklak na mula Bukidnon na talagang mas mahal ang presyo kumpara kung galing lang sa Baguio ang bulaklak.

Pagdating sa suplay, sapat naman ito ayon sa mga nagtitinda maliban na lang kung rosas ang gustong bilhin dahil nagkaubusan ito noong weekend at naghihintay pa sila ng bagong delivery.

Marami rin kasi ang bumisita na sa mga sementeryo nitong weekend lalo’t sarado na ang mga ito sa susunod na weekend.

Posible ring tumaas pa ang presyo ng bulaklak sa mga susunod na araw lalo’t inaasahang may mga hahabol pang dumalaw sa mga puntod ng kanilang mga yumaong mahal sa buhay hanggang sa Huwebes.

-- Ulat ni Lady Vicencio, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.