Lalaking 16 taon pinaghanap dahil sa murder, naaresto sa Cavite
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Lalaking 16 taon pinaghanap dahil sa murder, naaresto sa Cavite
ABS-CBN News
Published Oct 26, 2023 01:28 PM PHT

MANILA — Isang lalaking 16 na taong hinanap dahil sa kasong murder ang naaresto sa basketball court sa Bacoor, Cavite nitong Miyerkoles.

Nakakuha ang mga awtoridad ng impormasyon sa kinaroroonan ng suspek na si Michael Garcia mula sa kaanak ng kaniyang biktima, ayon sa pulisya.

"Nagkaroon siya ng pagkakataon noong 2007 doon sa lamay sa Tondo sa Brgy. 97 at doon nakita niya itong biktima na nagsusugal. Tinanong din natin siya kung nasa impluwensiya siya ng alak noong nagawa niya yung pagpatay," ani PLt. Col. Dionelle Brannon, commander ng Sta. Mesa police station.

"Inamin niya naman po na siya’y nakainom at doon sa inis niya doon sa kanyang napatay, nilapitan niya ito at habang may dala siyang kahoy at pinalo niya sa ulo."

Inaresto si Garcia sa bisa ng warrant na inilabas ng isang korte sa Maynila noong 2009.

Nakapagtrabaho pa si Garcia sa Dubai noong 2008 at bumalik sa Pilipinas noong 2019, nang hindi umano alam na may warrant laban sa kanya.

Ani Garcia, nagawa niya ang krimen dahil sa pambu-bully umano ng biktima.

"Siguro sa bugso na lang po ng galit ko, minsan po kasi nabu-bully niya po ako eh sa basketball, sa mga ano. Hindi ko naman po intensyon na mangyari, intensyon ko lang na paluin siya," sabi ni Garcia.
"Pero hindi ko alam na ganoon mangyayari sa isang palo mamatay, kaya po lubos po akong humihingi ng tawad doon sa kamag-anak niya po, sa mga anak niya po. Alam ko nahirapan po sila sa pagkawala ng tatay nila.”

Nasa kustodiya ng Sta. Mesa police station ang suspek.

— Ulat ni Champ De Lunas, ABS-CBN News
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT