Hustisya, sigaw ng ilang kaanak ng mga napaslang sa 'drug war'
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Hustisya, sigaw ng ilang kaanak ng mga napaslang sa 'drug war'
ABS-CBN News
Published Nov 01, 2017 12:21 AM PHT

Bukod sa panalangin para sa kanilang mga kaanak na namatay sa giyera kontra droga, hustisya ang sigaw ng ilang pamilya ng mga biktima ngayong Undas.

Ayon sa kura paroko ng San Isidro Labrador Parish sa Barangay Bagong Silangan, Quezon City, nasa 37 ang napatay sa kanilang lugar dahil sa drug war.

LOOK: Mass is being offered for victims of drug-related killings at San Isidro Labrador Parish pic.twitter.com/hXvlGZy0yq
— Adrian Ayalin (@adrianayalin) October 31, 2017

"Ganito ba ang klaseng estado ang gusto natin? Ayaw natin ng ganitong estado kung saan it is very tyrant," ani Fr. Gilbert Billena sa isang misang idinaos nitong Martes, Oktubre 31.

Nagsisilbi ring tagapagsalita ng grupong Rise Up For Life And For Rights si Billena.
Nagsisilbi ring tagapagsalita ng grupong Rise Up For Life And For Rights si Billena.
ADVERTISEMENT
Nag-iyakan ang mga kaanak ng mga namatay habang nagmimisa.

Isa sa mga nagkuwento ng karanasan ay si "Kim" na namatayan ng ama at ina matapos damputin ng 11 lalaking nagpakilalang pulis.

"['Yong] tatay ko, sa sementeryo ko na nakita. 'Yong mama ko hinulog po nila sa tulay," ani Kim sa kaniyang testimonyo sa misa.

LOOK: Familes of victims of drug war stage a protest action in front of Police Station 6 in Quezon City pic.twitter.com/VraduDk22M
— Adrian Ayalin (@adrianayalin) October 31, 2017
LOOK: Familes of victims of drug war stage a protest action in front of Police Station 6 in Quezon City pic.twitter.com/VraduDk22M
— Adrian Ayalin (@adrianayalin) October 31, 2017
Matapos ang misa, sa harapan ng Batasan Police Station nag-alay ng dasal ang ibang kaanak.

Pero ayon sa hepe ng istasyon, kung may napatay man, ito'y dahil sa mga lehitimong police operation.
Pero ayon sa hepe ng istasyon, kung may napatay man, ito'y dahil sa mga lehitimong police operation.
ADVERTISEMENT
"Nirerespeto po natin 'yong kanilang karapatan ng pamamahayag subalit pinararating po natin sa ating publiko na ang ating kapulisan, we respect the value of life," ani Superintendent Rossel Cejas.

Iginiit din ni Cejas na hindi na hawak ng kapulisan ang giyera kontra droga matapos itong ilipat sa kamay ng Philippine Drug Enforcement Agency kamakailan lamang.

Samantala, labis ang pagdadalamhati ng pamilya nina Kian Delos Santos at Carl Angelo Arnaiz -- mga menor de edad na napatay sa magkakahiwalay na engkuwentro umano sa mga pulis.

Pilit na nagpapakatatag ang ina ni Carl na si Eva Arnaiz, at mga magulang ni Kian na sina Saldy at Lorenza Delos Santos.

"Parang ang hirap isipin na ngayon siya na 'yong pupuntahan mo," ani Eva.
"Parang ang hirap isipin na ngayon siya na 'yong pupuntahan mo," ani Eva.
ADVERTISEMENT
"Sana 'yon na lang totoong kriminal, 'yon na lang sana 'yong kinukuha or pinapatay," pahayag naman ni Lorenza.

Nasa ilalim sila ng Witness Protection Program ng Department of Justice kaya hindi sila basta-basta makadadalaw sa puntod ng mga anak.

Sa panayam ng ABS-CBN News sa ama ng isa pang pinatay na menor de edad na si Reynaldo De Guzman, sinabi niyang bibisitahin niya ang anak pero hindi siya sasabay sa bugso ng mga tao sa Nobyembre 1 at Nobyembre 2.

Halos wala namang pagbabago ang libingan ni De Guzman, na kahit ilang linggo nang nailibing ay wala pa ring lapida.

Ngunit may ilang pamilya naman na hindi na umano naghahanap ng hustisya para sa mga napaslang na kaanak.
Ngunit may ilang pamilya naman na hindi na umano naghahanap ng hustisya para sa mga napaslang na kaanak.
ADVERTISEMENT
Kabilang dito ang pamilya Morales na tumungo sa Manila North Cemetery.

Nag-alay na lamang sila ng kandila sa dalawang kapamilyang namatay umano sa Oplan Tokhang.

Ipinagdadasal na lamang nila na matahimik na ang kaluluwa ng mga kaanak.

"Sana 'yong mga gumawa noon sa kapatid at tsaka tiyuhin ko, sana hindi mangyari sa kanila," ani Mary Jean Morales.

"Pinagdadasal ko naman sa kanila (mga namatay) na patawarin na lang nila 'yong mga gumawa noon," dagdag pa ni Morales.

-- Ulat nina Adrian Ayalin, Niko Baua at Jasmin Romero, ABS-CBN News
Read More:
PatrolPH
Tagalog news
Bantay Undas
Bantay Undas 2017
war on drugs
balita
Undas
Quezon City
Carl Arnaiz
Kian Delos Santos
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT