Mga pulis itinatalaga sa Ugbo St. sa Tondo matapos ang viral na mga larawan

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Mga pulis itinatalaga sa Ugbo St. sa Tondo matapos ang viral na mga larawan

ABS-CBN News

 | 

Updated Nov 02, 2021 10:42 AM PHT

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

MANILA – Dinagdagan na ang bilang ng mga pulis na nagbabantay sa Ugbo St. sa Tondo, Maynila matapos na kumalat sa internet ang mga larawang nagpapakita na walang suot na face mask ang ilang tao at hindi nasunod ang physical distancing sa kainan sa nasabing kalye nitong nakaraang Linggo.

“Agad na gumawa po tayo ng bagong detail kung saan nag-allocate tayo ng around 20 police personnel para siguraduhin natin na ime-maintain natin yung social distancing, pagsusuot ng face mask para masiguro natin ang safety ng publiko,” ani Manila Police District Station Commander PLt. Col. Cenon Vargas.

Ani Vargas, dati naman nang may mga pulis na nakabantay sa lugar, pero dumagsa ang mga tao nitong Undas long weekend.

“Meron po tayong detail na ano dyan, kapulisan at sinisiguro po natin na maging maayos. Nagkataon po na long weekend kaya ang mga tao po ay dinagsa at agad naman natin ‘tong inaksyunan kung saan ang ating hepe doon sa lugar ay inatasan natin agad na i-clear yung area,” aniya.

ADVERTISEMENT

Karaniwan nang dumarami ang mga bumibista sa Ugbo St. tuwing weekend, ayon kay Vargas, pero sa pangkaraniwang araw, nasa 100 tao lang ang nandito.

Nananawagan si Vargas sa mga pupunta sa Ugbo St. na huwag kalimutang sumunod sa mga health protocols.

“Nananawagan po kami sa lahat ng nais bumisita sa Ugbo, lalong-lalo tuwing weekend, na isa po sa mahalagang ipinatutupad natin doon ay siguraduhin natin na tayo sa safety health standard. Ito na nga po yung pagsusuot ng face mask, face shield, at makabubuti na i-observe yung social distancing.”

“At doon naman sa nanggagaling pa sa malalayong lugar eh maging responsable din lahat ng taong bumibista. Although talagang gusto nilang maranasan o yung experience ng pagpunta doon sa Ugbo food park, pero dapat isaalang-alang natin lagi ang kaligtasan nap ag nakita nila na talagang marami nang tao, eh much better na magkusa na sila,” aniya.

--TeleRadyo, 2 November 2021

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.