Babae, inireklamo ang 'pagsipol' sa kaniya ng ilang pulis-QC
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Babae, inireklamo ang 'pagsipol' sa kaniya ng ilang pulis-QC
ABS-CBN News
Published Nov 05, 2017 09:02 PM PHT

Inireklamo ng 21 anyos na dalaga ang ilang pulis sa Quezon City matapos umano siyang bastusin habang naglalakad sa kahabaan ng Katipunan Avenue.

Ibinahagi ng biktimang si alyas "Carmela" sa social media site na Twitter ang naranasang pambabastos noong gabi ng Nobyembre 2.

Kuwento ni Carmela, naglalakad siya pauwi nang makarinig ng catcall o pagsipol mula sa mga pulis.

Dahil sa takot, hindi na nagawang kuhanan ni Carmela ng larawan ang sasakyan.
Dahil sa takot, hindi na nagawang kuhanan ni Carmela ng larawan ang sasakyan.
ADVERTISEMENT
Sa kuha ng CCTV ng Barangay Escopa II sa Katipunan Avenue, 10:28 ng gabi noong Nobyembre 2, makikita ang pagdaan ng isang police mobile.

Sakop ng Quezon City Police District (QCPD) Station 8 ang kahabaan ng Katipunan Avenue.

Ngunit ayon kay Superintendent Ariel Capocao, hepe ng QCPD Station 8, wala sa lugar na iyon ang kanilang mobile noong gabi ng insidente.

Gayumpaman, nangako si Capocao na hindi nila palulusutin ang kanilang mga tauhan kung mapatutunayang nambastos.

Sa ilalim ng anti-catcalling ordinance ng Quezon City, ipinagbabawal ang catcalling, stalking o pagsubaybay ng palihim, at mga offensive o nakababastos na body gestures sa kababaihan.

Mapapatawan ng P1,000 hanggang P5,000 multa o isang buwang pagkakakulong ang sinumang lalabag sa ordinansa ng lungsod.

Hinahanap na ang ilan pang kuha ng CCTV sa lugar para matukoy kung sino ang mga sinasabing sumipol sa dalaga.

-- Ulat ni Angel Movido, ABS-CBN News
Read More:
PatrolPH
Tagalog news
balita
catcalling
sexual harassment
Quezon City
Angel Movido
TV Patrol
TV Patrol Top
TV Patrol Weekend
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT