2 menor de edad nalunod sa Pangasinan

HEADLINES:
|

ADVERTISEMENT

HEADLINES:
|

2 menor de edad nalunod sa Pangasinan

Noriel Padiernos,

ABS-CBN News

Clipboard

AGNO, Pangasinan - Dalawang menor de edad ang magkasunod na nalunod sa karagatan sa Barangay Macaboboni sa bayang ito Biyernes.

Unang naging biktima ang 10 taong gulang na si Karl Martin Valdez na taga Antipolo.

Sinubukan siyang isalba ng mga residente nang makitang nalulunod. Dinala siya sa ospital pero idineklara ring dead on arrival.

Makalipas ang ilang minuto, ang 14 taong gulang na si John Paul Corilla naman ang nalunod.

ADVERTISEMENT

Ayon sa kaniyang pamilya, wala silang ideya sa nangyari kaya't agad na dumiretso sa dagat ang biktima.

Ikinasasama rin ng loob ng pamilya Corilla ang matagal na pagrescue sa binatilyo.

Ayon sa kapatid ng biktima, pinanood lang umano ng mga tao sa resort ang insidente.

"Wala man lang tumulong, pinapanood lang nila tapos 'yung mga may bangka, ang dami daming bangka hindi ginamit dahil hindi daw sa kanila 'yun," aniya.

Ayon naman sa opisyal ng barangay, hindi sila nagkulang sa pagpapaalala sa publiko na malakas ang alon.

ADVERTISEMENT

Pero aminado sila na walang ipinatutupad na mga patakaran sa naturang dalampasigan.

"Wala pa pong ipinatutupad dito kasi 'yung ipinasa po namin na mga rules ay inihi-hearing pa sa Sangguniang Bayan," paliwanag ni Kagawad Lourdes Braganaza.

Pinag-iisipan pa ng pamilya Corilla kung magsasampa sila ng reklamo sa tinuluyang resort.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

ABS-CBN is the leading media and entertainment company in the Philippines, offering quality content across TV, radio, digital, and film. Committed to public service and promoting Filipino values, ABS-CBN continues to inspire and connect audiences worldwide.

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.