Kuhaan ng fare matrix sa LTFRB, dinagsa
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Kuhaan ng fare matrix sa LTFRB, dinagsa
ABS-CBN News
Published Nov 05, 2018 10:09 PM PHT
|
Updated Aug 04, 2019 11:56 AM PHT

Inireklamo ng mga tsuper at operator ng mga jeepney ang anila ay tila parusang pagpila nila sa mga tanggapan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ngayong Lunes para makakuha ng bagong fare matrix.

Epektibo na mula pa noong Biyernes, Nobyembre 2, ang P10 minimum na pasahe sa mga jeep subalit, ayon sa LTFRB, "ilegal" ang paniningil nito kung walang fare matrix.

Bunsod nito, dumagsa ngayong Lunes ang mga driver at operator sa tanggapan ng LTFRB Central Office sa East Avenue, subalit naging matagal ang kanilang paghihintay.

"Ano ba'ng sinasabi ng ating presidente tuwing nagpapa-interview? Huwag pag-antayin ang tao," ani Edilberto Carillo, driver-operator ng jeep.

Nagtaka naman ang driver-operator na si Manolito Arada matapos siyang pagbayarin ng P600 para sa fare matrix na nakalagay sa bond paper at walang selyo.

"Dati kasi makapal at saka, ano, napansin ko rito sa binigay nila, walang seal. Pero may pirma naman," ani Arada, na naghintay ng pitong oras.

Itinuro naman ng ilang operator ang tanggapan ng LTFRB-National Capital Region kung saan mas marami umanong nakapila.

Subalit hindi pinayagang makapasok ang ABS-CBN News sa naturang tanggapan.

Pero base sa kuwento at video na ibinigay ng mga operator, umabot hanggang hagdan ang pila para sa fare matrix.

Dahil sa dami ng dumagsa ngayong Lunes, inaunsiyo na rin ng LTFRB sa isang pahayag na sa central office na nila gagawin ang pagproseso sa mga nakarehistro sa LTFRB NCR simula Martes.

"Due to limited space and influx of operators requesting for fare matrix in NCR office, the releasing of matrix for NCR will be done at the LTFRB Central Office starting tomorrow ," sabi sa pahayag ng LTFRB.

--Ulat ni Kristine Sabillo, ABS-CBN News
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT