Nagpanggap na DPWH engineer arestado sa pangongotong | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Nagpanggap na DPWH engineer arestado sa pangongotong

ABS-CBN News
Published Nov 06, 2019 04:09 PM PHT
|
Updated Nov 07, 2019 10:32 AM PHT

Naaresto ng mga awtoridad ang isang lalaking nagpanggap na engineer ng Department of Public Works and Highways at isa nitong kasamahan dahil sa umano ay pangongotong sa contractor.

Hinuli ng mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa entrapment operation si Romeo Sanita at kasabwat niyang si Anthony Reyes.

Ayon sa reklamo ng contractor na si alyas "Silvio," sinabihan siya ni Sanita noong HUnyo na kayang mai-award sa kaniya ang isang P50 milyon flood control project sa Abucay, Bataan.

Kapalit ng pag-award ng project, humingi umano si Sanita sa contractor ng P250,000.
Kapalit ng pag-award ng project, humingi umano si Sanita sa contractor ng P250,000.
ADVERTISEMENT
Matapos ibigay ang pera, hindi na na-contact ni "Silvio" si Sanita, ayon sa biktima.

Kalaunan ay nakipag-ugnayan uli si Sanita kay "Silvio" at humingi naman umano ng dagdag na P2 milyon para ma-award ang proyekto.

Nagreklamo sa CIDG si "Silvio" kasunod ng pangalawang paghingi ng pera.

Sa sertipikasyon ng DPWH, lumabas na hindi naging empleyado ng ahensiya si Sanita.

Natapos na rin noong 2018 ang tinutukoy na flood control project sa Abucay.
Natapos na rin noong 2018 ang tinutukoy na flood control project sa Abucay.
ADVERTISEMENT
Inamin ni Sanita na hindi siya totoong engineer pero naging laborer siya noon sa DPWH.

Sinabi rin ni Sanita na may kakilala siya sa loob ng ahensiya na kayang brasuhin ang mga proyekto.

Haharapin ng mga suspek ang mga kasong estafa, robbery extortion, at usurpation of official function.

-- Ulat ni Maan Macapagal, ABS-CBN News
Read More:
PatrolPH
Tagalog news
krimen
swindling
estafa
robbery extortion
usurpation of official function
engineer
fake engineer
DPWH
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT