Mayor ng isla sa Quezon natalo sa recount; mga supporter sumugod sa munisipyo
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Mayor ng isla sa Quezon natalo sa recount; mga supporter sumugod sa munisipyo
ABS-CBN News
Published Nov 09, 2022 10:56 AM PHT

MAYNILA—Naglabas na ng desisyon ang Regional Trial Court ng Infanta, Quezon sa resulta ng manual recount sa mga boto sa pagkamayor sa isla ng bayan ng Jomalig, Quezon.

Napasugod sa munisipyo ang mga supporters ni Mayor Nelmar Sarmiento matapos mabalitaan na natalo ito sa manual recount na inihain ng dating mayor na si Rodel Espiritu.

Noong halalan noong May 2022, iprinoklamang panalong mayor si Sarmiento na nakakuha ng lamang na 13 laban sa noon ay incumbent mayor na si Espiritu na may boto lamang na 2,151.

Hindi ito matanggap ni Espiritu kaya naghain siya ng election protest sa Regional Trial Court.
Hindi ito matanggap ni Espiritu kaya naghain siya ng election protest sa Regional Trial Court.
ADVERTISEMENT
Ang kaniyang basehan, marami umanong iregularidad sa nangyaring botohan kagaya ng hindi iniluluwa umano ng vote counting machines ang mga balota at ang boto umano para kay Espiritu ay hindi binabasa ng VCM.

Sa isinagawang manual recount, lumabas na lumamang pa ng 18 votes ang nagprotestang si Espiritu.

Dahil dito, naglabas ng desisyon si Infanta RTC Branch 65 Judge Raymund Joseph Soroñgon kung saan ipinawalang bisa ang proklamasyon ni Sarmiento bilang nanalong mayor ng bayan ng Jomalig.

Kasabay nito, idineklara din si Espiritu na tunay na nanalo. Iniutos din ng korte na bakantehin na ni Sarmiento ang pwesto at iturn-over ang pamamahala kay Espiritu.

Umapela ang kampo ni Sarmiento kaya hindi pa makakaupo si Espiritu.
Umapela ang kampo ni Sarmiento kaya hindi pa makakaupo si Espiritu.
ADVERTISEMENT
Nakiusap si Sarmiento sa kaniyang mga supporters na maging mahinahon.

“Sa mga nakikisawsaw, nagpapahayag ng kanilang damdamin na nagdudulot rin ng kaguluhan, relax lang kayo. May tamang proseso, may Panginoon, may Diyos, magsasabi, magtatakda kung sino ba talaga ang karapat-dapat nanalo noong nakaraang halalan. Pabayaan niyo ang lugar namin ay maging mapayapa," ani Sarmiento.

Tiniyak ni Sarmiento na siya pa rin ang nakaupong mayor at nagagampanan pa rin niya ang trabaho habang inaapela pa nila ang naging desisyon ng korte.—Ulat ni Dennis Datu, ABS-CBN News