2 bodega sa Meycauayan nasunog; pinsala umabot sa P25 milyon

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

2 bodega sa Meycauayan nasunog; pinsala umabot sa P25 milyon

Zyann Ambrosio,

ABS-CBN News

 | 

Updated Nov 09, 2023 09:41 PM PHT

Clipboard

MAYNILA — Nasunog ang 2 malaking bodega sa Barangay Ligtong, Meycauayan, Bulacan, na nagsimula noong Martes ng gabi, ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP) nitong Huwebes.

Mabilis ang paglagablab ng apoy dahil sa mga highly combustible materials sa loob tulad ng mga papel, school supplies at linoleum.

“Mostly naka-pack na items school supplies, linoleum," saad ng security guard na si Louis Cenobio.

Pero hindi pa matukoy kung ano talaga ang naging sanhi ng sunog.

ADVERTISEMENT

"Undetermined pa. Pwede human or elemental factor," ayon kay Bulacan fire chief F. Supt. Janette Jusayan.

Pero nilinaw ng BFP na Miyerkoles pa lang ng tanghali idineklarang "fire out" na sa lugar.

Nakatulong ang nasa 6 na talampakang tubig na laman ng swimming pool mula sa isang katabing resort na siyang ginamit ng BFP para maapula ang apoy at hindi rin umabot pa sa resort ang sunog.

“We are able to save yung katabi ng warehouse —-yung resort," sabi ni Jusayan.

Natatagalan umano ang overhauling dahil maya't maya may nagniningas pa rin ang apoy.

Umabot umano sa P25 milyon ang halaga ng pinsala.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

ABS-CBN is the leading media and entertainment company in the Philippines, offering quality content across TV, radio, digital, and film. Committed to public service and promoting Filipino values, ABS-CBN continues to inspire and connect audiences worldwide.

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.