CSC: Output-based point system, gagamitin sa mga gov't workers na naka-work from home | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
CSC: Output-based point system, gagamitin sa mga gov't workers na naka-work from home
ABS-CBN News
Published Nov 11, 2020 07:42 PM PHT
|
Updated Nov 11, 2020 07:43 PM PHT

MAYNILA — Naglabas na ang Civil Service Commission (CSC) ng revised guidelines hinggil sa pagpapatupad ng alternatibong work arrangements sa mga opisina ng gobyerno sa kabila ng pandemya.

Sa ilalim ng Memorandum Circular No. 18 series of 2020, may itinakdang point-system ang CSC sa mga naka-work from home para mabantayan ang kanilang performance sa trabaho.

Kailangang makatapos ng 40 na oras ng trabaho sa isang linggo ang mga empleyado at i-ayon ito sa output-based point system alinsunod sa patakaran ng CSC, paliwanag ng commissioner ng ahensya na si Aileen Lizada.

“Example, if you are in communication and you are supposed to prepare letters and you are allowed to prepare communications at home, you put in a point system where one letter is equivalent to X number of points. And the point should cover at least 40 working hours po, 40 working hours for one week,” Lizada.

“[Ang] isang letter naman po ay hindi naman po kailangang matapos iyan … Hindi naman po extended na half day ang ating working hours na ito ‘no. So when we make a letter, we do not expect you to have half day to finish a letter. So mayroon na po tayong output-based kumbaga, ang ating point system,” dagdag niya.

Paliwanag pa ni Lizada, naglagay ng adjustments ang CSC dahil unti-unti naman na aniya nagbubukas ang ekonomiya at nadadagdagan na rin ang public transportation.

Hindi na rin daw awtomatikong work from home ang mga nasa edad 60 pataas at maging iyong ibang may iba pang mga sakit. Ibig sabihin, maaari na silang i-require na pumasok mismo sa mga opisina.

“This time around, sa lahat ng kawani ng gobyerno at sa heads of agencies, if your service or your services are indispensable or office work is permitted, your head of agency may require you to report for work. Iyon ho ang exception natin ngayon.” — Joyce Balancio, ABS-CBN News

Read More:
CSC
output-based system
work from home
Aileen Lizada
COVID-19
patrolph
Tagalog news
civil service
CSC
Civil Service Commission
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT