Mahigit 700 katao sinagip ng Philippine Army sa Santo Tomas, Isabela

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Mahigit 700 katao sinagip ng Philippine Army sa Santo Tomas, Isabela

ABS-CBN News

Clipboard

From 5ID Startroopers, Philippine Army

Umabot na sa mahigit 700 katao ang sinagip ng Water Search and Rescue Team ng 502nd Infantry Brigade, Philippine Army sa bayan ng Santo Tomas, Isabela, mula nang maganap ang malawakang pagbaha dulot ng bagyong Ulysses.

Base sa datos na nilabas ng Philippine Army, ang mga nasagip ay nagmula sa:

  • 282 - Barangay San Vicente
  • 97 - Barangay Malapagay
  • 65 - Barangay Calanigan Norte
  • 63 - Barangay Canogan Norte
  • 56 - Barangay San Roque
  • 53 - Barangay Calinaoan Norte
  • 38 - Barangay San Rafael De Bajo
  • 33 - Barangay San Rafael Alto
  • 28 - Barangay Antagan
  • 8 - Barangay Bulinao
  • 8 - Poblacion

Watch more in iWantv or TFC.tv

Nakipagtulungan din sa paglilikas ng mga residente ang Tactical Operation Group (TOG) 2 ng Philippine Air Force sa Barangay Alanguigan of Ilagan City, Isabela, kung saan nasa 50 na mga indibdiwal ang natulungan.

Maliban dito, tuloy-tuloy rin sa pamamahagi ng tulong ang Disaster Response Unit (DRU) ng 95th Infantry Battalion sa mga lumikas na residente sa bayan ng Benito Soliven.

ADVERTISEMENT

Habang namamahagi ng mga ayuda, namataan din ang nasa 19 na mga indibdiwal na nakulong matapos na malubog sa tubig-baha ang kanilang tahanan at agad nirespondehan.

From 5ID Startroopers, Philippine Army

Nasa 4,000 na mga foodpacks sa Alibagu, Ilagan City ang naisaayos naman ng mga Reservists mula sa 202nd Community Defense Center.

Sa kasalukuyan, tuloy-tuloy pa rin ang pagsagawa ng search, rescue and retrieval operations ng 5ID sa mga apektadong lugar sa lalawigan ng Isabela.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.