#WalangPasok nang halos isang linggo sa ilang unibersidad kasunod ng Ulysses

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

#WalangPasok nang halos isang linggo sa ilang unibersidad kasunod ng Ulysses

Arra Perez,

ABS-CBN News

Clipboard

Ateneo de Manila University. ABS-CBN News/File

MAYNILA — Sinuspende ng ilang pamantasan ang kanilang mga klase nang halos isang linggo matapos manalasa sa bansa ang Bagyong Ulysses.

Kasama rito ang Ateneo de Manila University, na nagsuspende ng synchronous at asynchronous classes mula Nobyembre 16 hanggang 21 para mabigyan ng panahon ang mga estudyante at faculty member na maka-recover sa pananalasa ng Ulysses.

Mananatili ring suspendio ang synchronous classes sa Ateneo mula Nobyembre 23 hanggang 28, base sa isang memorandum mula sa Office of the Vice President for the Loyola Schools.

Mula Nobyembre 16 hanggang 21, suspendido rin ang klase sa University of the Philippines (UP), University of Santo Tomas (UST), at University of the East.

ADVERTISEMENT

Ayon sa UP, ito ay "period of recovery" para sa mga miyembro ng kanilang komunidad na apektado ng mga bagyo.

Para naman sa UST, nagkaroon ng academic break dahil dapat pairalin umano ang virtue at compassion.

Watch more in iWantv or TFC.tv

May academic break din ang Polytechnic University of the Philippines mula Nobyembre 16 hanggang 27, kaya extended din ang first semester.

Inabisuhan naman ng De La Salle University ang mga mag-aaral at guro sa pagbibigay ng palugit sa pagsusumite ng mga requirement.

Sa social media, nanawagan ang mga estudyante ng ibang paaralan na ipagpaliban muna ang klase sa kani-kanilang mga institusyon ngayong marami pa rin ang apektado ng bagyo.

Umapela na ang Kabataan party-list sa pamahalaan na magpatupad ng nationwide academic break at academic ease.

Higit 100 faculty member naman mula UP Diliman ang nagsabing dapat tapusin ang kasalukuyang semester.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.