Sanggol iniwan ng ina sa gilid ng daan sa Davao City

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Sanggol iniwan ng ina sa gilid ng daan sa Davao City

Bonna Pamplona,

ABS-CBN News

Clipboard

Bonna Pamplona, ABS-CBN News

DAVAO CITY - Umiiyak at nakabalot lamang sa tuwalya ang isang 3-buwang sanggol nang iwan ng kaniyang ina sa gilid ng kalye La Swerte sa lungsod na ito, Sabado ng gabi.

Ayon kay Melanie Yangaan, hinabol pa niya ang ina ng bata pero mabilis itong nakaalis habang isinisigaw na sa kaniya na lang ang sanggol.

Kuwento ni Yangaan, kalalabas lang niya ng inuupahan para tumungo sa trabaho nang makitang nag-aaway ang mga magulang ng bata, na kaniyang kapitbahay sa boarding house.

Ibinibigay umano ng ina sa lalaki ang bata pero hindi nito tinanggap at saka umalis. Iniwan naman ng ina ang sanggol sa gilid ng daan at saka tumakbo palayo.

ADVERTISEMENT

Dumulog na sa San Pedro police si Yangaan para magpatulong na mahanap ang ina na nang-iwan sa sanggol. Nasa kustodiya na ng Quick Response Team for Children's Concerns ang bata.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.