Mga pasaherong nag-aabang sa terminal sa Bataan, inararo ng bus; 1 patay

HEADLINES:
|

ADVERTISEMENT

HEADLINES:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Mga pasaherong nag-aabang sa terminal sa Bataan, inararo ng bus; 1 patay

Karen de Guzman,

ABS-CBN News

 | 

Updated Nov 21, 2023 12:08 AM PHT

Clipboard

Photo courtesy of Philippine National Police.
Photo courtesy of Philippine National Police.

(UPDATED) Patay ang isang pasahero habang sugatan ang isa pa makaraang umabante ang isang pampasaherong bus sa loob ng terminal ng isang mall sa Barangay Ibayo, Balanga, Bataan Lunes ng gabi.

Base sa inisyal na imbestigasyon ng Balanga City Police Station, nakaparada ang bus sa terminal nang biglang matapakan ng drayber ang accelerator pedal dahilan para ito ay umandar at bumangga sa pader na bumagsak sa mga naghihintay na mga pasahero.

Kinilala ang mga biktima na isang estudyante, 20, na idineklarang dead-on-arrival sa ospital habang nagtamo naman ng mga sugat sa dibdib, likod, at leeg ang isa pang lalaking pasahero na nagpapagamot ngayon.

Mahaharap ang bus driver sa mga reklamong reckless imprudence resulting to homicide, physical injury, at damage to property.

Nakikipag-ugnayan na ang pulisya sa pamunuan ng naturang mall at iba pang ahensya para sa patuloy na imbestigasyon sa insidente.

- may ulat ni Rod Izon

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

ABS-CBN is the leading media and entertainment company in the Philippines, offering quality content across TV, radio, digital, and film. Committed to public service and promoting Filipino values, ABS-CBN continues to inspire and connect audiences worldwide.

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.