'Cardo Dalisay', inaresto dahil umano sa marijuana sa Isabela | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
'Cardo Dalisay', inaresto dahil umano sa marijuana sa Isabela
Harris Julio,
ABS-CBN News
Published Nov 21, 2018 02:40 AM PHT

ISABELA - Arestado ng mga pulis ang 2 estudyante matapos maaktuhang gumagamit ng marijuana sa likod ng Rural Health Unit ng San Isidro, Isabela nitong Lunes.

Ayon kay Senior Insp. Joseph Jonathan Binayug, hepe ng San Isidro police, nakatanggap sila ng sumbong ukol sa ilegal na gawain ng mga binatilyo. Laman ng sigarilyo na pinanghithit ng mga suspek ay marijuana.

"'Yung stick ng cigarette, tinanggal 'yung laman then nilagay dun 'yung marijuana para hindi halata na parang naninigarilyo lang sila," ani Binayug.

Inaalam na ng pulisya kung saan galing ang ilegal na droga. Napag-alaman din nila na transferee ang mga suspek.
Inaalam na ng pulisya kung saan galing ang ilegal na droga. Napag-alaman din nila na transferee ang mga suspek.
ADVERTISEMENT
Sinampahan na rin sila ng reklamong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Sa report ng Isabela Police Provincial Office (IPPO), inalyasan ng "Cardo Dalisay" ang 16-anyos na suspek.

Si “Cardo Dalisay” ay karakter sa hit teleserye na “Ang Probinsyano” ng ABS-CBN.

"Ewan ko lang kung saan nasagap 'yung mga balita na Cardo Dalisay. I-correct po natin 'yan na hindi Cardo Dalisay ang alyas nun, kundi alyas Manila Boy," ani Binayug.

Ayon naman kay Senior Insp. Frances Littaua, information officer ng IPPO, nagbase lamang sila sa pagiging sikat ng karakter sa teleserye para ikubli ang katauhan ng nahuling menor de edad.

Samantala, posibleng ipasakamay sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang mga binatilyo o isasailalim sila sa diversion program ayon sa pulisya.

Read More:
Regional news
Tagalog news
drugs
students
teenagers
marijuana
San Isidro
Isabela
Cardo Dalisay
Ang Probinsyano
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT