Mga piling empleyado ng gobyerno, may parating pang bonus | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Mga piling empleyado ng gobyerno, may parating pang bonus
ABS-CBN News
Published Nov 21, 2018 03:27 PM PHT

Bukod sa 13th month pay, year-end bonus, at cash gift ay maaari pang makakuha ng dagdag na bonus ang mga piling empleyado ng gobyerno.

Ayon kay Department of Budget and Management (DBM) Secretary Benjamin Diokno nitong Miyerkoles, ipamamahagi simula Disyembre 15 ang one-time cash benefit alinsunod sa collective negotiation agreement (CNA).

Ang CNA incentive ay ibinibigay sa management at maging sa rank and file employees ng mga ahensiya na nakamit ang kanilang performance targets habang nakatulong sa pagtitipid sa pamamagitan ng cost-cutting measures.

Base sa Budget Circular No. 2018-5, maaaring makatanggap ng CNA incentive ang mga personnel na regular, kontraktuwal, o casual positions na maaaring full-time o part-time sa national government agencies, kabilang ang state univertisities and colleges, local government units, at iba pa.

Dedepende naman ang halaga ng CNA incentive sa mga kondisyon na nakalagay sa DBM budget circular at sa pondo.

Gayunman, nakasaad sa batas na hindi lalagpas sa P25,000 ang maaaring maibigay sa isang kuwalipikadong empleyado.

—Ulat ni Joyce Balancio, ABS-CBN News
Read More:
PatrolPh
Tagalog news
bonus
pondo
balita
cash incentives
collective negotiation agreement
insentibo
government employees
trabaho
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT