Sen. Pia Cayetano nagbabala laban sa pekeng website na naniningil ng bayad sa e-arrival card | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Sen. Pia Cayetano nagbabala laban sa pekeng website na naniningil ng bayad sa e-arrival card

Robert Mano,
ABS-CBN News
Published Nov 21, 2022 10:52 PM PHT

Nagbabala si Senator Pia Cayetano hinggil sa fake at sponsored website na nag-aalok ng electronic registration card o arrival card na pinababayaran ng $70.

Sa manifestation sa gitna ng sesyon sa Senado, sinabi ni Cayetano na natiyempuhan ang fake website ng kaniyang anak na pauwi mula sa ibang bansa.

Hindi pa niya mabanggit ang website at sinabing ilalahad nya ang kumpletong detalye sa isang privilege speech Martes pero nagpapauna na siya ng pang-aalarma para niya walang maloko.

Nakakabahala aniya ito dahil baka may mga overseas Filipino worker o turista na makuhanan ng $70 at maaari ring maging dahilan ng hindi na pagpunta ng mga dayuhang turista kaya maituturing na ito na economic sabotage.

Ayon kay Senate President Juan Miguel Zubiri, maituturing iyon na "highway robbery".

Sa talakayan sa Senado, nabaling ang mga senador sa pahirap, abala at hindi na praktikal na requirements sa mga biyahero.

Sabi ni Cayetano, nagtatatak pa ang Bureau of Quarantine hinggil sa pagsunod sa COVID-19 protocols samantalang wala na ngayong quarantine.

Ayon naman kay Zubiri, dapat wala nang e-card dahil sapat na ang tatak ng immigration sa passport.

Inireklamo naman ni Senator Ronald dela Rosa ang pagbabawal na magdala ng P10,000 palabas ng bansa at inungkat na nung police colonel pa siya, hinarang sya ng immigration nung papunta siya sa Taiwan dahil may dala siyang P11,000.

Sabi naman ni Senate Minority Leader Koko Pimentel, dapat itigil na ang pagkulekta ng travel tax dahil dito lang binubuwisan ang constitutional right to travel.