Libu-libong residente sa lalawigan ng Capiz, apektado ng baha dahil sa shear line | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Libu-libong residente sa lalawigan ng Capiz, apektado ng baha dahil sa shear line

Libu-libong residente sa lalawigan ng Capiz, apektado ng baha dahil sa shear line

ABS-CBN News

Clipboard

Larawan mula sa Sigma MDRRMO
Larawan mula sa Sigma MDRRMO
Larawan mula sa Sigma MDRRMO
Larawan mula sa Sigma MDRRMO

Nananatiling lubog sa tubig baha ang ilang bayan sa lalawigan ng Capiz, Martes, dahil sa ulan na dala ng shear line.

Kita ang lawak ng tubig baha sa isinagawang aerial survey ng Sigma Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office Martes ng umaga.

Sa bayan ng Mambusao, malalim pa rin ang tubig baha sa kalsada sa Barangay Tugas, at tanging ang mga malalaking sasakyan lamang ang maaaring dumaan sa kalsada dahil sa taas ng tubig baha.

Watch more News on iWantTFC

Ayon kay John Paul Lusabia ng Mambusao disaster office, 18 barangay sa bayan ang binaha at higit sa 1,000 residente ang inilikas sa kani-kanilang mga bahay.

Isang landslide naman ang naitala sa lugar.

Sa datos ng Capiz Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) umabot sa 12 bayan at 92 na barangay ang binaha.

— Ulat ni Rolen Escaniel

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.