700 kabataan, magulang nagmartsa vs bullying, iba pang pang-aabuso
ADVERTISEMENT
700 kabataan, magulang nagmartsa vs bullying, iba pang pang-aabuso
ABS-CBN News
Published Nov 24, 2018 09:24 PM PHT

Nasa 700 kabataan at mga magulang ang nagmartsa sa advocacy walk sa pagdiwang ng National Children's Month sa Maynila nitong Sabado.
Sa advocacy walk na inorganisa ng Kaibigan Ermita Outreach Foundation Incorporated (KEOFI), layon nilang labanan ang pang-aabuso, bullying, at teenage pregnancy.
Aabot sa 2.5 kilometro ang minartsa ng mga lumahok mula Sta. Ana, San Andres Bukid at Tondo, Maynila para isigaw ang kanilang adhikain.
Hindi laruan kung hindi mga karatula ang hawak ng mga kabataang nanghihimok ng kamalayan laban sa pang-aabuso.
ADVERTISEMENT
Isa rito ang Grade 7 student si Humphrey, na nagsusulong ng adhikain kontra child abuse.
Ayon kay KEOFI director Susan Biteng, kapansin-pansin umano ang mataas na bilang ng mga nabibiktima ng pang-aabuso sa lugar.
"Mababa ang pagtingin sa bata at kababaihan. Object, walang nararamdaman at hindi naaapektuhan. Parang pag-aari siya ng lalaki at lipunan. Isa sa bakit mataas ang incidents ng abuse."
Nagkaroon din ng forum para maturuan ang mga kabataan sa kanilang mga karapatan at maiwasang maging biktima ng pang-aabuso.
Read More:
PatrolPH
Tagalog News
children's month
Manila
Tondo
Sta. Ana
San Andres Bukid
bullying
child abuse
teenage pregnancy
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT