MODUS: Ano ang 'pasalo scheme'? | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
MODUS: Ano ang 'pasalo scheme'?
MODUS: Ano ang 'pasalo scheme'?
ABS-CBN News
Published Nov 25, 2020 07:43 PM PHT

MAYNILA - Pinaalahanan ng Philippine National Police - Highway Patrol Group ang mga bangko tungkol sa mga dumarami umanong high-end vehicles at mga sport utility vehicles (SUV) mula sa mga bank loan na nasasangkot sa "pasalo scheme."

Sa pasalo scheme, nag-a-apply ng car loan ang mga carnapper at ibebenta ang sasakyan sa mas murang halaga sa mga biktima, ayon kay PNP-HPG chief Alexander Tagum.

Hindi binabayaran ang natitirang balanse ng sasakyan kaya ang mga may-ari pa rin ang hinahabol ng mga bangko.

"Normally ito po yung mga zero downpayment na promo ng ating mga retailer sa Pilipinas. Malalaman na lang po namin na 'yung hinahabol po namin ay wala sa record. Wala po siyang record na existing ang tao," ani Tagum.

Matutukoy na lang umano na peke ang nag-apply ng loan sa bangko at peke ang plaka at conduction sticker na ginamit.

"Obviously po, fictitious 'yung pangalan. Ipinagtataka po namin dito, papaano po ito nakakalusot sa background check before ka makapag-apply. Obviously mangyayari lamang 'yan kung meron po silang kasabwat sa loob," dagdag niya.

Nilinaw ni Tagum na hindi pa nila direktang masasabing may mga bank employee na kasabwat sa modus. Pero hindi nila ito maisasantabi sa dami ng report at nakikita nilang pattern sa pasalo scheme.

Nahuli ng PNP - HPG ang isang lider ng Villanueva carnapping group na sangkot sa modus.