Bagong protocol para sa OFWs na pauwi ng Pilipinas, ipinaliwanag ng OWWA
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Bagong protocol para sa OFWs na pauwi ng Pilipinas, ipinaliwanag ng OWWA
Maricel Burgonio | TFC News Italy
Published Nov 27, 2021 05:14 PM PHT
|
Updated Nov 27, 2021 05:52 PM PHT

TORINO - Sa seminar ng Overseas Workers Administration (OWWA) para sa OFWs sa Torino, itinuro ang unang hakbang ng mga Pinoy na dapat nilang gawin kung uuwi ng Pilipinas.

Ito ang pagpaparehistro sa One Health Pass tatlong araw bago ang departure kung saan nasa monitoring ng Bureau of Quarantine.

Isinagawa ang seminar kaugnay sa updated IATF protocols ngayong nasa yellow list ang Italya mula November 16 hanggang November 31.

Ayon sa OWWA sagot nito ang pitong araw na quarantine ng OFWs na myembro nito, kung saan 5th day ang swab test at sa paglabas ng negative result maari nang lumabas. Depende naman sa Local Goverment Unit o probinsyang uuwian ang quarantine rules.

Para sa hindi OFW kailangan may pre-booked quarantine hotel sa Pilipinas sa loob ng anim na araw. Kailangan ding mag-download ng Traze application pagdating sa Pilipinas.

“Kunyari may nakasama kayo sa flight na may COVID o may nakasama kayo sa quarantine facility na may COVID, so dito mate-trace yung records n’yo,” paliwanag ni Atty. Maria Corina Padilla-Buñag, Labor Attache,Milan, Italy.

Ayon sa OWWA covered lang ang libreng quarantine facility at transport service sa mga Overseas Contract Workers o may trabaho at hindi sa pensyonada na walang kontrata o trabaho.

Maliban na lang kung may maipapakitang katibayan ang pensyonado na may kasulatan mula sa employer. Iligal ang magtrabaho ang isang pensyonado sa Italya.

“Karamihan po ang mga pensyonado ay nagtatrabaho dahil kulang na kulang ang kanilang pensyon para sa ikabubuhay. Ang malaking problema ay wala silang kontrata,” sabi ni Emy Baldos, OFW.

Isa si Virgilio Reyes sa mga Pinoy na dumalo sa seminar ng OWWA sa Torino, pauwi siya ng Pilipinas ngayong November 28. Una niyang inalam ang patakaran ng airlines sa swab test para hindi matulad sa ilang Pinoy na na-cancel ang flights.

“Hindi ni-require sa airport ng Milan ang private na kahit walang translate ng English,” sabi ni Reyes.

Marami pa ring mga Pilipino ang gumagastos kahit may pandemya para makauwi at makapiling ang pamilya ngayong kapaskuhan.

Para sa mga nagbabagang mga balita tungkol sa ating mga kababayan sa Italya, tumutok sa TFC News sa TV Patrol.

PANOORIN:
Read More:
TFC News
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT