'Odd-even' scheme sa EDSA, sinusuri pa ng MMDA

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
'Odd-even' scheme sa EDSA, sinusuri pa ng MMDA
ABS-CBN News
Published Nov 28, 2017 10:58 AM PHT

Pinagaaralan ng mabuti ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang mga suhestiyon ng mga kongresista upang masolusyunan ang patindi ng patinding problema sa trapiko, lalo na sa kahabaan ng EDSA.

Ayon kay MMDA Assistant General Manager Jojo Garcia, tinanggap ng MMDA ang lahat ng mga ideyang inilatag ng mga kongresista kabilang na dito ang “odd-even” scheme sa EDSA.

"Ang sagot naman po ni Chairman sa kanila Ok lang, maganda po yan mababawasan sasakyan natin. But of course, we need to improve our mass transport para may alternatibo ang ating mga kababayan," sabi ni Garcia sa panayam sa DZMM Martes ng umaga.

Sa ilalim ng ganitong traffic scheme, dalawang beses sa isang linggo ipagbabawal ang paglabas ng isang sasakyan, depende sa huling numero ng plaka nito.

ADVERTISEMENT
Isa pang kongresista ang may suhestiyon na 2-day coding sa EDSA para maibsan ang trapiko.

"Pagaaralan pa dahil kailangang may alternatibo pa rin tayo sa mga kababayan na hindi gagamit ng sasakyan," sabi ni Garcia.

Naniniwala ang MMDA na mas mahalaga sa ngayon ang ayusin ang mass transport system at mga alternatibong daan bilang solusyon sa lumalalang problema sa trapiko sa kalakhang Maynila.

Dagdag niya, ang desisyon ng Metro Manila Council pa rin ang mananaig dito.

Nakatakda na sa Disyembre 5 ang susunod na council meeting, ayon kay Garcia.