ALAMIN: Parusa sa mga magsisiga ng basura sa daan
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
ALAMIN: Parusa sa mga magsisiga ng basura sa daan
ABS-CBN News
Published Dec 01, 2018 05:26 PM PHT

Nakagawian mo na bang magsiga ng dahon at iba pang basura kapag naglilinis ng iyong bakuran?

Pero sa ilalim ng batas, ilegal ito at may karampatang parusa kapag nahuli.

Ayon kay Atty. Noel Del Prado, bawal sa Republic Act 9003 o Solid Waste Management Act ang pagsisiga ng dahon, at iba pang basura.

Batay ito sa Chapter 6, Section 48 ng batas kung saan ipinagbabawal ang pagsusunog ng solid waste.
Batay ito sa Chapter 6, Section 48 ng batas kung saan ipinagbabawal ang pagsusunog ng solid waste.
ADVERTISEMENT
Paliwanag ni Del Prado, nakapipinsala ito sa hangin na may epekto sa buong kapaligiran.

"Una, ipinagbabawal ang air pollution, at itinuturo ng batas ang tamang pagdi-dispose ng solid waste," aniya sa "Usapang de Campanilla" nitong Huwebes

Ayon din sa nasabing batas, ipinagbabawal ang paglilibing ng mga solid waste nang basta-basta dahil maaaring tumagas ang mga masasamang kemikal sa lupa, na maaaring mapunta sa mga katubigan.

Papatawan ng P300 hanggang P1.000 multa o di lalagpas sa 30 araw na pagkakakulong ang mapapatunayang nagsisiga sa kalsada.

Read More:
PatrolPH
Tagalog News
Usapang de Campanilla
DZMM
Batas Kaalaman
waste
eco waste
basura
solid waste
solid waste disposal
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT