'Nangholdap, pumatay' sa Ateneo student, arestado | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
'Nangholdap, pumatay' sa Ateneo student, arestado
ABS-CBN News
Published Dec 05, 2018 04:57 PM PHT
|
Updated Dec 05, 2018 09:39 PM PHT

Naaresto sa police checkpoint sa Marikina nitong umaga ng Miyerkoles ang suspek sa pagpatay ng Ateneo graduate student na si Francis De Leon.

Si alyas "Diablo" ay pinagbibintangan na nangholdap at nakapatay sa 24 anyos na si De Leon sa Marikina, sabi ng pulisya.

Isang testigo ang nagsabing kilala niya si "Diablo" bilang kapwa magnanakaw.

Sinabi ng testigong niyaya siya ni "Diablo" noong gabi ng Biyernes na magsagawa ng holdap sa Barangay Concepcion Uno, kung saan natagpuan noong madaling araw ng Sabado si De Leon.

Ayon pa sa testigo, sinubukang ibenta sa kaniya ni "Diablo" ang cellphone ni De Leon subalit tinanggihan niya ito. Kalaunan ay nabatid niya ang pagkakakilanlan ng nabiktima ni "Diablo" matapos mag-viral ang kuwento tungkol kay De Leon online.

Lumapit ang testigo sa pulisya para ipabatid sa kanila ang plano ni "Diablo" na mangholdap sa Marikina Heights.

Lider din daw si "Diablo" ng isang grupo ng mga holdaper sa Marikina, base sa imbestigasyon ng pulisya.

Itinanggi naman ni "Diablo" na siya ang salarin.

"Hindi ko po alam. Sila po talaga 'yong gumawa noon tapos ako po 'yong dinidiin nila," sabi ni "Diablo."
"Hindi ko po alam. Sila po talaga 'yong gumawa noon tapos ako po 'yong dinidiin nila," sabi ni "Diablo."
ADVERTISEMENT
Ayon pa kay National Capital Region Police Office chief Director Guillermo Eleazar, may naaresto rin silang 16 anyos na kasabwat ni "Diablo."

Ibinigay sa pangangalaga ng Department of Social Welfare and Development ang menor de edad habang mahaharap sa mga kasong murder, robbery, holdup at illegal possession of firearms si "Diablo."

Kinumpirma naman ng pamahalaang lokal ng Marikina na makatatanggap ang testigo ng pabuyang P500,000 pero hindi raw ito absuwelto sa mga kasong maaaring harapin bilang holdaper.

Naihatid din sa huling hantungan ngayong Miyerkoles si De Leon.

-- May ulat ni Kevin Manalo, ABS-CBN News
Read More:
PatrolPH
Tagalog news
krimen
holdup
murder
robbery
Marikina
Francis De Leon
Ateneo graduate student
TV Patrol
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT