Reklamo ng aggravated fraud inihain vs. Alpha Assistenza | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Reklamo ng aggravated fraud inihain vs. Alpha Assistenza

Mye Mulingtapang | TFC News Italy
Published Dec 06, 2023 09:50 PM PHT
|
Updated Dec 07, 2023 08:53 AM PHT

MILAN - Nahaharap sa reklamong aggravated fraud o panloloko sa Office of the Public Prosecutor of Milan ang mga may-ari ng immigration consultancy firm na Alpha Assistenza SRL na sina Krizelle Diane Respicio at John Dutaro.

Ayon sa Philppine Consulate General sa Milan, ang unang 11 reklamo ay inihain ni Atty. Bruno De Blasi, ang Italian lawyer na kinuha ng Department of Foreign Affairs (DFA) para kumatawan sa 100 Filipino complainant na naka-base sa Italy sa class suit laban kina Respicio, Dutaro, at iba pa na sangkot umano sa panloloko sa 269 na kababayan sa Pilipinas.

Dagdag pa ng Konsulado maghahain pa si Attorney De Blasi ng mga karagdagang reklamo sa mga darating na araw sa Office of the Public Prosecutor, na inaasahang susuriin ang mga reklamo at magpapasya kung dadalhin ang kaso sa paglilitis.

Ikinatuwa naman ng mga biktima ang pahayag na ito ng Konsulado at umaasang makamit ang hustisya at mapagbayad ang mga may sala.

Si Susan Garcia, hinihinging na maibalik pa rin ang perang kanilang pinagpaguran pati na ang pera ng iba pang kababayan na nabiktima.

Nagbayad si Garcia ng 160,000 Euros kapalit ng pekeng nulla osta o subordinate work permit para makuha ang kapamilya sa Pilipinas.

“Hangga’t maaari sana maibalik pa rin po ang pera. Wala ba syang konsensya? Yung mga taong humahabol sa kanya ay dapat maibalik ang pera”, ani Garcia.

Nagbayad naman si Susan Natividad ng 150,000 Euros mula sa inutang na pera para makuha ang kanyang anak. Nabulilyaso din ang pangarap ni Natividad na mapapunta ang anak niya sa Italya matapos madiskubreng peke ang mga dokumentong natanggap nila.

Kaya laking pasasalamat ni Susan Natividad dahil nabigyang aksyon ang kanilang reklamo.
Kaya laking pasasalamat ni Susan Natividad dahil nabigyang aksyon ang kanilang reklamo.
ADVERTISEMENT
“Salamat sa Panginoon at mabibigyan ng justice ang ginawa nila sa maraming marami na-scam. Hindi nila naiintindihan na marami doon ay inutang pa ang pera para makapagbayad, tapos ganoon ang gagawin nila”, ani Natividad.

Wala pang dalawang linggo ang pagsasampa ng mga reklamo matapos kontratahin ng Konsulado si Attorney De Blasi bilang legal na kinatawan ng 100 na kababayan na gustong magdemanda laban kina Respicio, Dutaro at iba pa dahil sa hindi umano'y pagtupad sa mga ipinangakong trabaho para sa kanilang mga kamag-anak na binayaran nila ng €3,000.00 bawat isa.

Ang pagkuha ng abogado para kumatawan sa mga nagrereklamo ay kabilang sa mga rekomendasyon ng Konsulado nang magsimula ito ng imbestigasyon sa umano'y mapanlinlang na transaksyon na kinasasangkutan ng Alpha Assistenza.

Ang rekomendasyon, na ginawa ni Consul General Elmer Cato, ay inaprubahan ni Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo sa pag-endorso ni Foreign Affairs Undersecretary for Migrant Workers Affairs Jose Eduardo De Vega.

BABALA NG KONSULADO
Bukod sa pagsasampa ng kaso laban sa Alpha Assistenza ay patuloy din ang pagbibigay babala ng Konsulado sa mga kababayan na naghahanap ng trabaho para sa kanilang mga kamag-anak sa Pilipinas sa ilalim ng decreto flussi program, na huwag maging biktima ng mapanlinlang na aktibidad sa imigrasyon at recruitment.

Pinapaalalahan ng Konsulado at ng Migrant Workers Office (MWO) ng Department of Migrant Workers (DMW) ang mga kababayan na mag-ingat at maging mapagmatyag upang maiwasang mabiktima ng mga inaasahang pananamantala sa pamamagitan ng pagsingil ng napakalaking bayad upang makakuha ng trabaho para sa kanilang mga kamag-anak sa Pilipinas sa ilalim ng decreto flussi program.

Ipinagbibigay alam din sa mga kababayan na habang kabilang ang Pilipinas sa 30 bansang sakop ng decreto flussi program, walang kasiguraduhan na maaaprubahan ang kanilang mga aplikasyon para sa work visa.

Dapat ding tandaan na ang mga employer lamang na nabigyan ng awtorisasyon na kumuha ng mga manggagawa sa ilalim ng kautusang ito (Nulla Osta) ang maaaring mag-apply para sa work visa para sa kanilang mga potensyal na manggagawa.

Ang isang dayuhang employer na gustong kumuha ng manggagawang Pilipino mula sa Pilipinas ay dapat ding sumunod sa mga requirements ng DMW para sa recruitment at deployment sa pamamagitan ng MWO sa Konsulado.

Ang dayuhang employer ay dapat ding may kasunduan sa isang Philippine Recruitment Agency (PRA) na lisensyado ng DMW. Ang dayuhang employer at ang PRA ay dapat din may akreditasyon sa DMW, sa pamamagitan ng MWO, bago ang manggagawang Pilipino ay legal na maitalaga sa ibang bansa.

Pinapaalalahanan din ang mga kababayan na sa ilalim ng mga batas ng Pilipinas, anumang aksyon ng canvassing, enlisting, contracting, transporting, utilization, hiring, kabilang ang referring contract services, promising o advertising para sa trabaho sa ibang bansa, para kumita man o hindi, ng isang non-DMW-licensed na indibidwal. o entidad, ay itinuturing na illegal recruitment.

Maaaring makipag-ugnayan sa Konsulado ang mga kababayang nabiktima, sa pamamagitan ng MWO sa email: polomilan1@gmail.com o Whatsapp: +393756572333 at ATN Section sa email: atn.consolato.ph@gmail.com o WhatsApp: + 39389683076.

Read More:
TFC News
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT