Konsehal sa Ilocos Norte patay sa pamamaril
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Konsehal sa Ilocos Norte patay sa pamamaril
ABS-CBN News
Published Dec 07, 2021 12:29 AM PHT

Patay ang isang konsehal matapos siya pagbabarilin ng dalawang salarin na lulan ng motorsiklo sa bayan ng Sarrat, Ilocos Norte, Lunes ng umaga.

Kinilala ang 69-anyos na biktima na si Apolonio Medrano, konsehal ng Sarrat.

Ayon kay Police Maj. Jepphre Taccad, public information officer ng Ilocos Norte Police, pagkatapos ng kanilang flag raising ceremony sa munisipyo ay pinuntahan ng biktima ang nakaparada nitong sasakyan sa gilid ng national highway na sakop ng Barangay 2.

Nang sasakay na siya ay dito na siya pinagbabaril. Ang crime scene ay ilang metro lamang ang layo mula sa munisipyo.
Nang sasakay na siya ay dito na siya pinagbabaril. Ang crime scene ay ilang metro lamang ang layo mula sa munisipyo.
ADVERTISEMENT
"Ililipat sana niya ang kaniyang sasakyan so noong time na sasakay siya ay nilapitan siya ng gunman at pinagbabaril siya," ani Taccad.

Aniya, pagkatapos ng pamamaril ay agad tumakbo at umangkas ang gunman sa motorsiklo na minamaneho ng kanyang kasabwat.

Sinubukan pa raw ng ilang residente na habulin ang mga salarin na hindi pa tukoy ang pagkakakilanlan.

Agad itinakbo sa ospital ang biktima pero idineklarang dead on arrival.
Nagtamo ito ng limang tama ng bala sa iba't-ibang bahagi ng kanyang katawan.

Isang task group ang binuo ng PNP na tututok sa kaso ng pagpaslang sa biktima.

Bukod sa pulitika, pinag-aaralan din ng mga awtoridad na motibo sa krimen ay ang na-dismiss na dalawang kasong pagpatay na kinaharap nito noong 2004, ani Taccad.

Nasa unang termino pa lang bilang konsehal sa Sarrat ang biktima.

— Ulat ni Grace Alba
KAUGNAY NA ULAT
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT