Insidente ng karahasan sa CSA Makati, iniimbestigahan na
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Insidente ng karahasan sa CSA Makati, iniimbestigahan na
Jeffrey Hernaez,
ABS-CBN News
Published Dec 07, 2022 12:07 AM PHT

Iniimbestigahan na ng Colegio San Agustin Makati ang umano'y insidente ng karahasan na naganap sa loob ng mismong paaralan Lunes, Disyembre 5.

Ito'y matapos kumalat ang isang video kung saan makikitang nagsusuntukan sa palikuran ang dalawang estudyante habang pinapanood ng mga kamag-aral nila.

BASAHIN: Pahayag ng Colegio San Agustin - Makati kaugnay sa insidente ng suntukan ng dalawang estudyante sa palikuran ng paaralan.
Dalawang estudyante ang kinailangang bigyan ng agarang atensyong medikal dahil sa mga tinamong sugat. pic.twitter.com/DWzNOOxGYT
ā jeffrey hernaez šµš (@jeffreyhernaez) December 6, 2022

"[T]he school is taking this matter seriously and has since launched an ongoing investigation. The Discipline Group of the High School Department... is in direct communication with the students involved and their parents immediately after the incident," ayon sa pahayag ng paaralan.

Ayon pa sa pahayag, dalawang estudyante ang isinugod sa pagamutan ng paaralan matapos rumesponde ang isang security guard.

"The school has provided the necessary medical assistance to both students. The Coordinator for Campus Discipline, Safety and Security who also responded, soon found out that the incident was not an accident, but a fighting incident involving Grade 9 student."

Sa isa pang video na kumalat sa social media, ipinakita ng isa sa mga umano'y sangkot na estudyante ang ginamit na asero o brass knuckle, dahilan para magtamo ng sugat ang isang mag-aaral sa ulo.

"Lahat po ng facts and cirscumstances tinitingnan para mabigyan ng aksyon ng eskuwelahan, including nga po 'yung injury that may have been caused by a brass knucle na kumakalat po ngayon sa social media," ayon sa tagapagsalita ng paaralan na si Atty. Joseph Noel Estrada.

Iniimbestigahan na rin umano kung paano nakapagdala ang estudyante ng brass knuckle sa loob ng paaralan.

Dagdag ni Estrada, inaalam pa ang dahilan ng away na kinasangkutan ng 10 estudyante ngunit tinitingnan na ang anggulong bullying o racism, bunsod ng ilang post sa social media na isang foreign national umano ang agrabyadong estudyante.

"The school is very firm that it does not tolerate or condone violence so lahat po ng involved offenses--the sanctions should be proper, gagawin po ng school yan, and whether it involves not only fighting or bullying but including discrimination," aniya.

Pinatawan na rin ng preventive suspension ang mga estudyante.

"The school issued a preventive suspension on the students, I think 7 or 8 of them have already received pero 'yung dalawa na involved talaga sa fighting, they were already advised na huwag po muna pumasok but make themselves available for inquiries and investigation of the school but they are excused muna sa kanilang mga classes," ayon kay Estrada.

Nilinaw naman ng tagapagsalita ng paaralan na hindi pa ito ang parusang ipapataw sa mga sangkot sa insidente.

Aniya, pinatawan lang ng suspensyon ang mga mag-aaral "to make sure na hindi ito mag-escalate at magkaroon pa ng another incident dahil emotions are very high."

Kasabay nito, nakiusap rin si Estrada sa publiko na huwag na ikalat ang video lalo na't mga menor de edad ang sangkot sa gulo.

Batay naman sa inilabas na pahayag ng Department of Education, nakikipag-ugnayan na sa kanila ang naturang paaralan at patuloy nilang imo-monitor ang isinasagawang imbestigasyon rito.

Tiniyak naman ni Estrada na maglalabas na rin ng desisyon ang paaralan sa mga susunod na araw ukol sa nangyaring insidente.

RELATED VIDEO:
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT