SOCO: Bagong balik na OFW, pinatay sa gulpi ng lalaking nasagi sa bar

HEADLINES:
|

ADVERTISEMENT

HEADLINES:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

SOCO: Bagong balik na OFW, pinatay sa gulpi ng lalaking nasagi sa bar

ABS-CBN News

Clipboard

Kauuwi lang sa Pilipinas ng 29-anyos na si Abigail Gino Basas nitong Pebrero 2017 matapos magtrabaho bilang photographer sa isang cruise ship na nakabase sa Australia sa loob ng anim na buwan.

Sa pagnanais na sulitin ang bakasyon, lumabas si Gino kasama ang mga kabarkada noong Marso 4 sa isang bar sa Quezon City.

Pero ang sana'y pagsasaya ni Gino ay humantong sa malagim na pangyayari.

Kuwento ng kaibigan nitong si John, nasanggi ni Gino ang isang lalaking papasok sa bar.

ADVERTISEMENT

“Parang nasanggi niya nga ‘yung lalaki. Tapos kinausap ako no’ng lalaki. Sabi 'binangga ako ng kaibigan niyo,'” kuwento ni John.

“Nagpasensiya ako. Sabi namin, 'di sinasadya [ni Gino]. Nakainom lang.'”

Pero hindi umano napawi ang galit ng lalaki.

“Pinipilit pa rin niya na, 'hindi, binangga ako ng tropa niyo eh.' Galit na galit talaga siya. Parang naghahanap siya ng gulo. Nagpasensiya kami hanggang sa lumabas kami ng bilyaran.”

Sinabihan naman umano ni John si Gino tungkol sa insidente.

ADVERTISEMENT

“Sabi ko, 'Nabangga mo [‘yung lalaki ah.]' Sabi niya, 'Oo nga, nakainom ako eh.'”

Inakala ng dalawa na tapos na ang gulo pero sinundan pala sila ng lalaki pati na rin ang ibang kasama nito.

“Tinulak agad siya. Sinapak na agad.”

Sinubukang pumagitna ni John sa bugbugan, ngunit pati siya ay napagdiskitahan ng grupo.

“Bugbog din ako. Punit ‘yung damit ko. Sugat-sugat ako,” dagdag niya.

ADVERTISEMENT

Nakarating naman kaagad noon sa ina ni Gino na si Gina Basas ang balita ng pambubugbog sa kaniyang anak.

“Mga 4:30 ng umaga, dumating ‘yung isang kaibigan niya. 'Tita, tita, si Gino kasi nasa ospital,'" kuwento ni Gina.

Pero nang dalhin sa ospital, hindi na pala umabot nang buhay si Gino.

“Hindi puwedeng mangyari kasi nag-uumpisa pa lang siyang mangarap. Talagang seryosong pangarap sa sarili niya. Tapos gano’n ang ginawa nila sa kanya,” hinaing ni Gina.

Sundan ang komprehensibong imbestigasyon sa pagkamatay ni Gino Basas sa ‘SOCO: Scene of the Crime Operatives’ ngayong Sabado, 4 p.m. pagkatapos ng ‘Ipaglaban Mo!’ sa ABS-CBN.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

ABS-CBN is the leading media and entertainment company in the Philippines, offering quality content across TV, radio, digital, and film. Committed to public service and promoting Filipino values, ABS-CBN continues to inspire and connect audiences worldwide.

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.