Operasyon ng Pasig River ferry service sisimulan ngayong linggo
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Operasyon ng Pasig River ferry service sisimulan ngayong linggo
ABS-CBN News
Published Dec 09, 2019 07:19 PM PHT

Bubuksan na ang operasyon ng Pasig River ferry service ngayong linggo bilang tugon umano ng pamahalaan sa lumalalang trapiko sa mga kalsada.

Kapag umarangkada na ulit ang operasyon ng ferry service, isang buwang libre ang pamasahe.

"All that is needed is the proper infrastructure and enhancement of the river transport ecosystem," ani Danilo Lim, chairman ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na nangangasiwa sa operasyon ng ferry service.

Humirit pa si Sen. Christopher "Bong" Go na gawing mas mura o ibaba ang pasahe.
Humirit pa si Sen. Christopher "Bong" Go na gawing mas mura o ibaba ang pasahe.
ADVERTISEMENT
"Malaking bagay po sa atin 'yong oras na nawawala tuwing traffic lalong-lalo na 'yong mga nagtatrabaho o nag-aaral," ani Go.

Binalaan naman ni Environment Secretary Roy Cimatu ang mga nakaharang sa Pasig River na humanap na ng ibang mapagpupuwestuhan.

"Maghanap kayo ng lugar ninyo sa dagat, hindi dito sa river," ani Cimatu.

"I'm giving you orders na alisin na ngayon," dagdag ni Cimatu.

Nag-donate ng 2 bangka si Pasig Mayor Vico Sotto habang pumayag naman si Manila Mayor Isko Moreno na ipagamit ang mga available na lugar sa lungsod bilang istasyon.

Iaanunsiyo sa publiko ang pagbabalik ng ferry service, na inaasahang mula alas-6 ng umaga hanggang alas-6 ng gabi ang biyahe.

-- Ulat ni Doris Bigornia, ABS-CBN News
Read More:
PatrolPH
Tagalog news
transportasyon
ferry
Pasig River
ferry service
MMDA
trapiko
Isko Moreno
Vico Sotto
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT