Sunog sumiklab sa residential area sa Parañaque

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Sunog sumiklab sa residential area sa Parañaque

Jeck Batallones,

ABS-CBN News

Clipboard

Sunog sa Barangay Don Bosco, Parañaque noong Disyembre 12, 2022. Jeck Batallones, ABS-CBN News
Sunog sa Barangay Don Bosco, Parañaque noong Disyembre 12, 2022. Jeck Batallones, ABS-CBN News

Sumiklab nitong Lunes ang sunog sa isang residential area sa Barangay Don Bosco, Parañaque City, ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP).

Bandang alas-3 ng hapon nang mag-umpisa umano ang sunog sa isang 3 palapag na apartment.

Dahil magkakadikit ang mga bahay, mabilis na kumalat ang apoy at bago mag-alas-4 ng hapon ay umabot sa ika-apat na alarma.

Inaalam pa ng lokal na BFP kung ilang pamilya ang apektado at magkano ang halaga ng pinsalang dulot ng sunog.

ADVERTISEMENT

Agad nagsilikas ang mga residente at kinailangan pang magbutas ng pader sa kabilang subdivision para makalikas ang ilang pamilya.

Hindi bababa sa 30 truck ng bumbero ang rumesponde sa sunog.

RELATED VIDEO

Watch more News on iWantTFC

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.