Sunog sumiklab sa isang gusali sa San Juan City | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Sunog sumiklab sa isang gusali sa San Juan City

Sunog sumiklab sa isang gusali sa San Juan City

Lyza Aquino,

ABS-CBN News

Clipboard

Watch more News on iWantTFC

MAYNILA — Dalawang pamilya ang apektado matapos matupok ang isang gusali sa General Vicente Lim Street sa Barangay Little Baguio, San Juan City nitong Martes ng madaling-araw.

Nag-umpisa ang sunog sa isang bodega sa unang palapag ng gusali, sabi ni Fire Superintendent Mike Barayuga ng Bureau of Fire Protection - San Juan.

Kumalat ang apoy sa ikalawang palapag ng gusali kung saan may dalawang pamilya ang nakatira.

Nadamay rin ang ikatlong palapag na tirahan ng may-ari ng bahay.

ADVERTISEMENT

Idineklarang fire out ang sunog matapos ang halos isang oras, sabi ni Barayuga.

Nakatulong aniya ang fire wall ng gusali para hindi kumalat ang apoy sa ibang bahay.

Wala namang nasugatan o nasawi sa sunog.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.