Taunang Lantern Parade ng UP kanselado
ADVERTISEMENT
Taunang Lantern Parade ng UP kanselado
ABS-CBN News
Published Dec 13, 2020 12:40 PM PHT

MAYNILA – Kinansela ng University of the Philippines (UP) ang pagdaraos ngayong taon ng Lantern Parade sa Diliman campus sa Quezon City bunsod ng patuloy ng banta na dala ng coronavirus pandemic.
Sa halip, isang payak na programa ang idaraos sa Biyernes, Disyembre 18, para pagnilayan ang mga naging karanasan ng bansa nitong 2020, ayon sa isang Dec. 10 memorandum mula kay UP Vice Chancellor for Community Affairs Aleli Bawagan. Kasama umano rito ang pagputok ng Bulkang Taal noong Enero, ang pandemya, at mga mapaminsalang bagyo.
Pinaghahandaan din ng UP ang paglalabas ng isang music video tampok ang isang jeepney na dinisenyo ng multimedia artist na si Toym Imao, ayon kay Bawagan.
Isa sa mga inaabangang event kada taon ang Lantern Parade sa UP Diliman, kung saan ipinaparada ng mga kolehiyo ng pamantasan ang kani-kanilang mga float na may iba’t ibang disenyo.
ADVERTISEMENT
Taong 1922 nang umpisahan ang Lantern Parade bilang paggunita sa tradisyon ng mga Filipino ng pagdadala ng mga lantern habang papunta sa mga simbahan para dumalo sa Simbang Gabi.
Read More:
PatrolPH
Tagalog news
education
edukasyon
University of the Philippines
UP Lantern Parade
Lantern Parade
Covid-19 pandemic
Philippine universities
Pasko
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT