Manila Archdiocese tiniyak na may health protocols sa Simbang Gabi | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Manila Archdiocese tiniyak na may health protocols sa Simbang Gabi
ABS-CBN News
Published Dec 13, 2020 03:50 PM PHT
|
Updated Dec 13, 2020 07:03 PM PHT

Apat na araw bago mag-umpisa ang Simbang Gabi, tiniyak ngayong Linggo ng Archdiocese of Manila na handa na ang mga simbahan para sa tradisyunal na pagdaraos ng misa tuwing madaling araw bago mag-Pasko.

Sinabi sa TeleRadyo ni Bishop Broderick Pabillo, administrator ng archdiocese, handa silang sumunod sa health protocols na itinakda ng gobyerno para sa Simbang Gabi.

Kasama umano rito ang pagpapatupad ng physical distancing, kung saan 30 porsiyento lang ang kanilang papapasukin sa loob ng simbahan habang umiiral ang general community quarantine.

Magdaragdag din aniya ng mga misa para masigurong marami pa rin ang makakapagsimba nang hindi sabay-sabay.
Magdaragdag din aniya ng mga misa para masigurong marami pa rin ang makakapagsimba nang hindi sabay-sabay.
ADVERTISEMENT
"Pero hindi namin ma-kontrol iyong nasa labas kasi sa iba, ang daming mga gustong magsimba, hindi makapasok ng simbahan kaya nasa labas na lang sila," ani Pabillo.

Magkakaroon din ng mga online na Misa.
Magkakaroon din ng mga online na Misa.
At bilang pagsunod din sa kautusang iwasan muna ang pagkanta sa videoke, gagawin namang limitado ang bilang ng mga choir members, at hiwa-hiwalay din o malayo ang pagitan ng mga kakanta sa misa.

Ayon kay Pabillo, parehong "blessing" lang din ang matatanggap ng mga taong dadalo sa online na Simbang Gabi.

"Kung biyaya na matatanggap, ang grasya ng Diyos, ang kanilang debosyon ay pareho pa rin. Ang 'di lang matatanggap, yung banal na komunyon na mahalagang bahagi ng misa," ani Pabillo.

Sa Metro Manila, iniklian ng mga alkalde ang curfew hours para bigyang daan ang Simbang Gabi.

Read More:
PatrolPH
Tagalog news
Simbang Gabi
Catholicism
Broderick Pabillo
religion
Christmas
Pasko
Christmas traditions
health protocols
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT