Mga bahay sa Baseco, nasunog | ABS-CBN
Featured:
|
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Mga bahay sa Baseco, nasunog
Michael Delizo,
ABS-CBN News
Published Dec 13, 2023 11:10 PM PHT

MAYNILA — Sumiklab ang sunog sa isang residential area sa Baseco compound, Port Area, Maynila nitong Miyerkoles.
Sa ulat ng Bureau of Fire Protection (BFP), nagsimula ang apoy bandang 5:47 ng hapon sa bahagi ng Block 1 Gasangan.
Umabot sa ikalawang alarma ang sunog bago naapula maga-alas-8 ng gabi.
Ayon sa BFP, gawa sa light materials ang mga bahay na nasunog.
Patuloy pa ang imbestigasyon sa pinagmulan ng apoy at sa lawak ng pinsala ng insidente.
Wala namang naiulat na nasawi o nasaktan sa sunog.