Mga nawalan ng trabaho sa Pinas sumasabak sa pagiging OFW

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Mga nawalan ng trabaho sa Pinas sumasabak sa pagiging OFW
ABS-CBN News
Published Dec 15, 2021 08:20 PM PHT

MAYNILA — Sa kabila ng banta ng omicron variant ay unti-unti nang nanunumbalik ang mga trabaho sa ibang bansa.

March 2020 nang matanggal sa trabaho ang flight attendant na si Angelica Estrevillo kaya napilitan siyang sumubok ng trabaho sa labas ng airline industry.

Pero sa kagustuhang makabalik sa propesyon, nag-a-apply siya ngayon sa isang airline sa Saudi.

"Parang yung ibang countries nagsa-start na po silang bumalik sa normal talaga… Yung mom ko po kasi meron siyang sakit and I really need to work," kuwento niya.

ADVERTISEMENT
Ayon sa isang employment agency, sinusubukan ngayon ng maraming bansa na buhayin ang ekonomiya kaya nanunumbalik ang ilang trabaho.

Ang airline na inaapplyan ni Estrevillo, nasa 100 Pinoy crew ang kailangan.

Nasa 500 din ang opening sa Kuwait partikular sa food and beverage, retail at oil and gas industries.

Nasa 200 Pinoy workers din ang kailangan sa isang theme park sa United Arab Emirates habang patuloy pa rin ang demand sa nurses sa UK at US.

Oportunidad naman ito sa mga nawalan ng trabaho dito sa Pilipinas.
Oportunidad naman ito sa mga nawalan ng trabaho dito sa Pilipinas.
ADVERTISEMENT
"Marami tayong mga first timer na mag-o-OFW but they are already working quite long dito sa atin. So meron na talaga silang experience. Nagkaroon sila ng interes to shift abroad dahil nga sa epekto ng pandemic dito sa atin," paliwanag ni Max Lompot, isang recruitment manager ng Industrial Personnel and Management Services (IPAMS).

Mahigpit ang IPAMS sa pagsuri ng mga dokumento para masigurong tama lahat ng isinulat ng aplikante.

"Sa ngayon isa sa mga hinahanap nila na importante ay yung vaccination card, kailangang fully-vaccinated ka na. Kasi yan ang hinahanap pag nasa processing stage ka na," ani Lompot.

Maaaring bisitahin ang ipams.com o i-download ang IPAMS app para makita ang mga job vacancy, mag-register, at magsumite ng initial requirements bago sumabak sa mga virtual interview at practical tests.

Walang placement o processing fee na sinisingil ang IPAMS.
Walang placement o processing fee na sinisingil ang IPAMS.
ADVERTISEMENT
Paalala naman ng POEA, umiwas sa mga scam at illegal recruiters.

—Ulat ni Zen Hernandez, ABS-CBN News
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT