Bata sugatan matapos masabugan ng boga | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Bata sugatan matapos masabugan ng boga
ABS-CBN News
Published Dec 17, 2022 04:50 PM PHT

Nagtamo ang 10-anyos na batang lalaki ng second degree burn sa katawan matapos masabugan ng boga sa Barangay Maab-abaca, Piddig, Ilocos Norte nitong Martes.

Ayon sa hepe ng Piddig Police Station na si Police Lieutenant Rudy James Jacalne, sumabog ang pinapaputok na boga ng bata na sanhi ng pagkasunog sa iba’t-ibang bahagi ng katawan nito.

“Disyembre 13, Martes nang mangyari ang insidente pero nalaman lang namin noong Biyernes, sa aming imbestigasyon nasobrahan ng bata ang paglagay ng denatured alcohol kaya siguro sumabog,” sabi ni Jacalne.

Nagpapagaling na ang bata sa ospital.
Nagpapagaling na ang bata sa ospital.
ADVERTISEMENT
KAUGNAY NA BALITA
“Nang pinuntahan namin ang lugar wala na yung boga, tinago na, nakakalungot dahil may pahintulot ang mga magulang sa paglaro ng bata sa boga,” dagdag ni Jacalne.

Ang boga ay isang improvised na kanyong PVC na ginagamit pampaingay. Nilalagyan ito ng denatured alcohol para makalikha ng ingay.

Babala ng pulisya mahigpit na ipinagbabawal ang paggamit ng boga at pwedeng magmulta ng hindi bababa sa P20,000 at makulong.

– Ulat ni Dianne Dy
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT