Vicky nagdala ng landslide, matinding pagbaha sa ilang parte ng Mindanao | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Vicky nagdala ng landslide, matinding pagbaha sa ilang parte ng Mindanao

ABS-CBN News
Published Dec 18, 2020 07:12 PM PHT

Nagdala ng pagbaha at landslide ang bagyong Vicky sa Mindanao, matapos ang walang tigil na pag-ulan sa malaking bahagi ng lugar.

Sa Purok 3, Barangay Poblacion sa Rosario, Agusan Del Sur, inabot ng hanggang bubong ng ilang bahay ang baha.

Nalubog din sa baha ang palengke at terminal sa bayan ng Rosario, batay sa kuhang retrato ng guro na si Albert Pamonag.

“Halos naapawan na po ang lahat ng bahay at paninda nila. May mga tao na pilit na sinasalba ‘yung mga gamit nila,” ani Pamonag.

Pinasok din ng tubig-baha ang ilang bahay sa bayan ng Prosperidad, Agusan Del Sur.

Puspusan din ang pagsagip sa mga binahang residente sa Bayugan City.

Binaha rin ang ilang bahay at pananim sa bayan ng Pantukan, Davao Del Oro dahil sa bagyo.

Nagsilikas ang ilang residente habang sinasalba ang mga gamit at hayop.

Nasa 100 residente ang inilikas sa mga paaralan matapos bahain ang 3 barangay sa bayan ng Nabunturan, Davao Del Oro. Pero makalipas ang ilang oras ay humupa na rin ang baha.

Alas-6 naman ng umaga ng Biyernes nang gumuho ang lupa sa Sitio Depot, Barangay Upper Ulip sa bayan ng Monkayo, Davao Del Oro.

Nagtulungan naman ang mga awtoridad sa pag-rescue ng mga residenteng na-trap sa Bislig City, Surigao Del Sur.

Nilusong ng mga pulis ang abot-baywang na tubig.

Nagsasagawa na ng survey at assessment ang mga lokal na pamahalaan lalo’t isa ang lungsod sa mga matinding binaha.

— Ulat ni Hernel Tocmo
Read More:
PatrolPH
Tagalog News
TV Patrol
bagyong Vicky
Vicky
Mindanao
Mindanao Bagyong Vicky
floods bagyong Vicky
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT