4 patay, 6 sugatan sa magkakahiwalay na aksidente sa Isabela
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
4 patay, 6 sugatan sa magkakahiwalay na aksidente sa Isabela
ABS-CBN News
Published Dec 19, 2020 03:42 AM PHT

Umabot sa 4 na indibidwal ang nasawi, habang nasa 6 naman ang sugatan sa magkakahiwalay na aksidente sa lalawigan ng Isabela.

Naisugod sa ospital, pero namatay habang ginagamot ang construction worker na si Romar Tungpalan, 22 anyos at residente ng Barangay Estrella, bayan ng San Mateo.

Sa imbestigasyon ng San Mateo Police, minamaneho ng biktima ang kaniyang motorsiklo hapon nitong Biyernes.

Nang makarating sa pinangyarihan ng aksidente ay bigla umanong pumasok sa national highway ng Brgy. Marasat Pequeno ang motorsiklo kung saan ay nasagi nito ang kaliwang gulong ng tricycle na bumabaybay din noon sa kalsada.

Sa lakas ng pagbangga ay natumba ang motorsiklo at napunta ang biktima sa kabilang lane ng kalsada kung saan ay tiyempong dumadaan ang isang dumptruck.

Nasagasaan ang biktima na nagtamo ng mga sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Samantala, sa bayan ng Quezon, idineklarang dead-on-arrival ang 46-anyos na magsasakang si Reynaldo Garobo.

Sakay ang biktima ng tricycle na nabangga sa likod ng dump truck pasado alas-6 ng umaga nito ring Biyernes sa national highway ng Brgy. Santos.

Dahil sa lakas nang pagbangga ay tumilapon mula sa tricycle ang biktima kasama ang kaniyang misis na nagtamo naman ng mga sugat.

Sugatan din ang driver ng tricycle na si Ronaldo Trinidad.

Nasa kustodiya nang Quezon Police Station ang driver ng dump truck na posibleng maharap sa reklamong reckless imprudence resulting in homicide, multiple physical injures and damage to property.

May nangyari ring aksidente sa national highway ng Barangay Harana, bayan ng Luna, bandang alas-11 ng gabi noong Huwebes, Disyembre 17.

Ayon sa pulis, nabangga ng kotse ang tricycle na bumabiyaheng wala umanong ilaw.

Sa lakas ng pagbangga, tumilapon ang anim na pasahero ng tricycle kung saan dalawang menor de edad ang nasawi.
Sa lakas ng pagbangga, tumilapon ang anim na pasahero ng tricycle kung saan dalawang menor de edad ang nasawi.
ADVERTISEMENT
Nanggaling umano sa isang handaan ang mga biktima at pauwi na nang mangyari ang aksidente.--Ulat ni Harris Julio

RELATED VIDEO
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT