Mahigit P11-M pabuya, ipinagkaloob ng PDEA sa mga informant | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Mahigit P11-M pabuya, ipinagkaloob ng PDEA sa mga informant

Mahigit P11-M pabuya, ipinagkaloob ng PDEA sa mga informant

Jeffrey Hernaez,

ABS-CBN News

Clipboard

Apat na sibilyan ang pinagkalooban ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ng kabuuang P11,209,089.85 bilang cash reward sa pagbibigay impormasyon sa mga kasong may kaugnayan sa ilegal na droga.

Nakatanggap ng P6,000,000 ang informant na si "Mambo" sa pagbibigay impormasyon sa PDEA Intelligence Service na nagresulta sa tatlong matagumpay na anti drug operation.

Kabilang dito ang pagkakasamsam methamphetamine hydrochloride o shabu at pagkakaaresto ng dalawang drug personality sa isang condominium sa Barangay Barangka-Ilaya Mandaluyong City noong Disyembre 27, 2021.

Si alyas "Mambo" rin ang naging daan upang maisakatuparan ang buy bust operation laban sa dalawang drug personality na nakumpiskahan ng 59,649.03 gramo ng shabu sa Km. 23, Barangay Lias, Marilao, Bulacan noong Marso 2, 2022 at pagkakaaresto ng dalawa pang suspek at pagkakasamsam ng 159,300.33 gramo ng shabu sa isinagawang operasyon sa Arty Subdivision, Barangay Karuhatan, Valenzuela City noong Marso 8, 2022.

ADVERTISEMENT

Nakatanggap naman ng P1,209,089.85 ang isang alyas "Mala" na siyang nagturo sa PDEA sa kinaroroonan ng dalawang drug personality sa Barangay 720, Malate, Manila noon Hulyo 4, 2022 na nagresulta sa pagkakasamsam ng 15,013.43 gramo ng shabu.

Nakatanggap naman ng P2,000,000 ang isang alyas "Denver" na siyang nagbigay impormasyon para sa pagkakaaresto ng 10 suspek at pagkakasamsam ng 1,585,251.24 gramo ng shabu noong Marso 15, 2022 sa Barangay Comon, Infanta, Quezon.

Pinagkalooban rin ng P2,000,000.00 si alyas "Dream" matapos magresulta sa pagkakasamsam ng 37,962.50 gramo ng shabu at pagkaaaresto ng apat suspek noong Oktubre 18, 2021 sa Barangay Pulung Cacutud, Angeles City, Pampanga ang ibinahaging impormasyon.

Ang pagkakaloob ng pabuya sa mga sibilyan ay bahagi ng programang “Operation Private Eye” ng PDEA na layong himukin ang mga pribadong mamayan na makipagtulungan sa pamahalaan para sa pagsugpo ng ilegal na droga sa mga komunidad.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.