ALAMIN: Kailan ipinagbabawal ang 'no return no exchange' policy

HEADLINES:
|

ADVERTISEMENT

HEADLINES:
|

ALAMIN: Kailan ipinagbabawal ang 'no return no exchange' policy

ABS-CBN News

 | 

Updated Dec 20, 2018 02:45 PM PHT

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

Ang panahon ng Kapaskuhan ay panahon rin ng pamimili ng mga panregalo sa mga kaibigan at mahal sa buhay.

Pero sa mga pagkakataong kailangan ibalik ang isang depektibong produkto, may ilang pamilihan na nagpapairal ng polisiyang "no return, no exchange."

Legal nga ba ito?

Ayon sa isang opisyal ng Department of Trade and Industry (DTI), may karapatan ang isang konsumer na magbalik ng produkto lalo na kung natuklasan lang niya ang sira nito matapos bilhin.

Alinsunod ito sa sa Republic Act 7394 o "Consumer Act of the Philippines."

ADVERTISEMENT

"Nakita ng konsumer na may defect [ang produkto], ayun po dapat isaalang-alang ng retailer," ani DTI Mediation Division chief Perpetua Werlina Lim sa "Usapang de Campanilla" ng DZMM nitong Miyerkoles.

Pero paglilinaw niya, may karapatan ang mga tindahan ang pagbalik kung mapapatunayan nilang may "change of mind" o nagbago lang ang isip ng kostumer.

"Ang 'no return no exchange policy' na sinasabi nila ay [naaangkop] lang 'pag change of mind lang," aniya.

Nanawagan naman si Lim na dapat kilatisin nang mabuti ang produkto bago ito bilhin para maiwasan ang perwisyo.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

ABS-CBN is the leading media and entertainment company in the Philippines, offering quality content across TV, radio, digital, and film. Committed to public service and promoting Filipino values, ABS-CBN continues to inspire and connect audiences worldwide.

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.