Bata nalunod sa resort swimming pool sa GenSan

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Bata nalunod sa resort swimming pool sa GenSan

Jay Dayupay,

ABS-CBN News

 | 

Updated Aug 01, 2019 12:43 PM PHT

Clipboard

Sa adult pool ng isang resort natagpuan ang dalawang batang nalunod kung saan ang isa sa kanila ay namatay. Larawan mula sa Police Station 4

GENERAL SANTOS CITY- Dead on arrival sa ospital ang isang 6-anyos na batang babae matapos malunod sa isang swimming pool, Miyerkoles ng tanghali.

Nakilala ang nasawi na si Trixia Amor Arendain. Kritikal naman sa pagamutan ang 7-anyos na si Christ Jane Demate na malapit malunod habang naliligo sa pool.

Kasama ang 2 bata sa Christmas party sa resort ng isang fishing company.

Watch more in iWantv or TFC.tv

Ayon sa pulisya, posibleng lumipat sa adult pool ang mga bata na may lalim na higit sa limang talampakan. Unang nakita ang isang batang tila humihingi ng saklolo.

ADVERTISEMENT

"'Yung lifeguard, may nakitang kamay ng bata na parang nag-struggle doon sa pang adult na swimming pool, then agad na rescue yong bata," pahayag ni PO3 Nenet Cubin.

Pero maya-maya pa, may mga magulang na nagsabing nawawala ang mga anak nila. Isa sa mga swimmer ang nagsabi sa lifeguard na may naapakan silang kamay ng bata sa ilalim ng swimming pool.

"Yung lifeguard, agad sinisid 'yung pool at doon nakita yung bata. Pero may nagsabi na isa pang parent na missing pa ang isa niyang anak. So ang ginawa ng isang lifeguard, sumisid siya at nakuha 'yung isa pang bata,” pahayag ni PO3 Cubin.

Masama ang loob ng pamilya ng mga bata pero handa naman umanong tumulong sa kanila ang management ng resort.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.