ALAMIN: Mga lugar sa Divisoria kung saan mahahanap mga balak bilhin
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
ALAMIN: Mga lugar sa Divisoria kung saan mahahanap mga balak bilhin
ABS-CBN News
Published Dec 22, 2020 05:50 PM PHT

MAYNILA — Lumiban muna si Nora Arimatea sa trabaho para makapag-Christmas shopping ngayong Martes.

Dumayo pa si Arimatea mula Quezon City dahil malaki daw ang ikinamura ng mga presyo sa Divisoria sa Maynila.

Sa kahabaan ng C.M. Recto Avenue niya nakita ang hanap na mga damit pambata.

"Kasi nag-pandemic po tayo, kailangang magtipid-tipid," ani Arimatea.
"Kasi nag-pandemic po tayo, kailangang magtipid-tipid," ani Arimatea.
ADVERTISEMENT
Bukod sa Recto, marami ring makikita sa Ylaya Street na murang ready-to-wear, tela, kurtina, at mga sapatos.

Sa Juan Luna Street naman makikita ang iba't ibang plastic products, linoleum, at upholstery.

Kung mga giveaway, lobo, at iba pang party needs ang hanap, matatagpuan ang mga ito sa Tabora Street.

Mga gamit sa kusina at iba-ibang prutas naman ang makikita sa Carmen Planas Street.

Marami ring prutas sa Sta. Elena Street at kung gulay ang hinahanap ay magtungo sa Sto. Cristo Street.
Marami ring prutas sa Sta. Elena Street at kung gulay ang hinahanap ay magtungo sa Sto. Cristo Street.
ADVERTISEMENT
Sa M. De Santos Street naman makakabili ng mga paingay tulad ng mga torotot para sa pagsalubong ng Bagong Taon.

Ipinapayo ng mga awtoridad na planuhin at gumawa ng listahan para mapabilis ang pamimili at hindi na magtagal sa Divisoria.

Paulit-ulit ding paalala ang pagsunod sa health protocols upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19.

-- Ulat ni Jerome Lantin, ABS-CBN News
RELATED VIDEO:
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT