Regular na neuropsychiatric test, anger management counseling sa PNP, hirit ni 'Bato' | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Regular na neuropsychiatric test, anger management counseling sa PNP, hirit ni 'Bato'
ABS-CBN News
Published Dec 26, 2020 02:32 PM PHT
|
Updated Dec 26, 2020 02:48 PM PHT

MAYNILA — Naniniwala si Sen. Ronald "Bato" Dela Rosa na dapat regular na isinasailalim sa neuropsychiatric test ang mga pulis kasunod ng pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na may "topak" o sakit sa pag-iisip ang pulis na pumatay sa mag-inang kapitbahay sa Tarlac sa gitna ng alitan.

Video courtesy of PTV
Ayon kay Dela Rosa, na nagsilbing hepe ng Philippine National Police (PNP) mula 2016 hanggang 2018, accurate naman ang neuropsychiatric test sa kanilang hanay pero ginagawa lang ito sa mga naga-apply na maging pulis at sa proseso ng promotion.

Hangga't maari, ayon kay Dela Rosa, dapat kada taon ang test dahil posible aniyang magbago ang pagu-ugali ng isang pulis habang nasa serbisyo.

"Maasahan iyan. Ang kailangan lang, gawin iyang regular," ani Dela Rosa sa panayam sa government television nitong Sabado.

"Puwedeng pagpasok niya sa pagiging pulis ay normal siya, wala siyang problema, pero habang nasa serbisyo siya sa pulisya, natuto siyang gumamit ng droga, nasira ‘yung kaniyang utak so puwedeng magbago ang kanyang ugali," dagdag niya.

Bukod dito, suportado rin ni Dela Rosa ang pagkakaroon ng anger management counseling sa mga pulis para maiwasan ang kahalintulad na insidente sa Tarlac.

DUE PROCESS
Aminado naman si Dela Rosa na naaabuso ang due process ng ilang mga pulis na may kinasasangkutang kaso kaya kailangan umanong may amiyendahan na batas.

Sabi ng senador, may mga pulis na natanggal na sa serbisyo pero nakababalik pa rin dahil nakakalusot sa mga dismissal proceedings.

“Talagang inaabuso ‘yung due process. ‘Pag nakakuha sila ng magaling na abogado, iyang administrative case, puwede nilan iyang via technicality pahabain,” sani ni Dela Rosa.

Matatandaang may mga nauna nang mga kaso si Nuezca bago ang pamamaril noong isang linggo na nakuhanan sa video.

-- Ulat ni Michael Joe Delizo, ABS-CBN News
Read More:
PatrolPH
Tagalog News
neuropsychiatric test
anger management counseling
PNP
Philippine National Police
Jonel Nuezca
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT