Arson, isang anggulong tinitingnang dahilan ng sunog sa mall sa Davao

HEADLINES:
|

ADVERTISEMENT

HEADLINES:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Arson, isang anggulong tinitingnang dahilan ng sunog sa mall sa Davao

Madonna Timbal-Senajon,

ABS-CBN News

Clipboard

DAVAO CITY - Tinututukan ang arson, electrical short circuit, pagwe-welding, at paninigarilyo bilang ilan sa mga posibleng ugat ng malagim na sunog sa isang mall sa lungsod na ito.

Patuloy pang inaalam kung intentional o accidental ang pagkakasunog sa NCCC Mall at inaasahang lalabas ang resulta ng imbestigasyon sa loob ng dalawang linggo, sabi ng Inter-Agency Anti-Arson Task Force sa isang press conference, Huwebes.

Ang nasabing task force ay binubuo ng mga opisyal mula sa Bureau of Fire Protection, National Bureau of Investigation, Philippine National Police, Criminal Investigation and Detection Group, at Scene of the Crime Operatives.

Tututukan ng mga imbestigador ang umano'y kawalan ng fire alarm ng mall, mga di madaanang fire exits, at mga di gumanang water sprinkler, ani public safety assistant secretary Nestor Quinsay.

ADVERTISEMENT

Iimbestigahan din ang mga ginagawang renovation sa taas ng third floor na sinasabing may nahuhulog na baga papunta sa mga plastic wares na tinuturong sanhi ng sunog, dagdag ni Quinsay.

"Unstable na ang gusali pero pipilitin ng task force na makapasok para sa gagawing imbestigasyon," sabi ni Quinsay.

Aminado ang BFP na mayroon silang kakulangan sa mga firefighting equipment lalo na mga breathing apparatus, ladders, firetrucks at iba pa kaya pahirapan ang pag-apula sa apoy at pag-rescue sa mga biktima.

Ayon sa mga awtoridad, tinututukan na ng gobyerno ang pagdadagdag ng mga equipment para sa mga bombero.

Kung mapapatunayang may pagkukulang ang management ng nasabing mall, mahaharap sila sa kasong violation ng Article 365 ng Revised Penal Code o reckless imprudence resulting to multiple homicide.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

ABS-CBN is the leading media and entertainment company in the Philippines, offering quality content across TV, radio, digital, and film. Committed to public service and promoting Filipino values, ABS-CBN continues to inspire and connect audiences worldwide.

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.